𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 ➢ 49

818 79 51
                                    

[Warning/s: Mention of animal killing. Do not read if you are uncomfortable.]

K's POV

"You came back for... that?"

I looked at Mint as I raised the shopping bags in my hands.

"Why? Do I look someone who care about bullets and guns?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nilagpasan ko s'ya at naglakad sa sasakyan naming dalawa.

Nalaman ko kasi na babalik s'ya sa lugar kung saan namin pinuntahan si Ray at Alex kaya't sumama ako, sa magkaibang dahilan kami bumalik, nagpunta s'ya para kunin ang mga baril, bala o anything na magagamit pa at napansin ko kasi na katabi ng lugar na 'to ang 'Luena Mall' kung saan may mga exclusive na accessories and clothes sa loob.

Nakakahiya naman na habang nagpapatayan sila ay ako humahatak ng mga magagandang damit kaya sabi ko kailangan kong mabuhay noong araw na 'yon para balikan ko ang mga gamit na 'yon.

And andito na nga ako, andito na rin sila sa sasakyan namin.

I know 'it's just clothes' for some people, but for me, they 'ARE CLOTHES' and I love clothes.

Inalok nga akong sumama ni Jordan sa bahay n'ya pero sabi ko ay may pupuntahan din ako, aside from that, para rin magkaroon sila ng time together ni Nia, that is why I ended up with Mint.

Nilingon ko ang kasama ko at nakitang wala na ito sa kinatatayuan n'ya, tiningnan ko ang loob ng sasakyan at inayos ang mga paper bag sa loob upang may space pa na paglagyan si Mint.

Zinipper ko pataas ang jacket ko dahil ang lamig ng simoy ng hangin, saglit akong Tumingala at nakitang madilim pa rin ang langit pero hindi naman umuulan.

Kailangan na naming bilisan at baka maabutan pa kami.

Let's go...

Nagpunta ako kung asan si Mint at nakitang busy ito na iniisa-isa ang mga bangkay upang kunin ang mga gamit nila, dala-dala ang isang grocery shopping cart ay nilapitan ko ito upang kunin ang mga baril na nakuha n'ya, hindi n'ya ako pinansin kaya hindi na lang din ako nagsalita.

He's always so quiet and I respect that.

Nakuha ng isang baril ang atensyon ko, baril na mula sa 'A-Team', dinampot ko ito at tiningnan ng maigi, hinawakan ko ito na tila babaril ako nang lumingon si Mint sa akin, saktong nakatutok sa kanya ang baril, makatingin naman 'to, akala mo napakasama kong tao.

"Bang!"

Tinalikuran lang ako nito bago damputin ang mga bulletproof na vest at ilagay sa cart.

"Bitawan mo nga 'yan." naiiritang bulong n'ya at kinuha ang baril sa akin, s'ya na ang naglagay nito sa cart.

"Wala ka nang kukunin?"

"Ano?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang nagmamasid-masid ako sa paligid.

"Tapos na 'ko, kung tapos ka na rin kunin ang mga gusto mo, umuwi na tayo—"

Huminto ito sa pagsasalita at tumingin-tingin din sa paligid.

Nagkatinginan kaming dalawa bago sabay na bumunot ng baril.

Tinalasan ko ang panrinig ko at nakaarinig ng ilang mga rustle noises, ilang mga mahihinang kaliskis.

May narinig kaming nabasag na bote at sinundan ni Mint ang tunog na 'yon habang nasa likod n'ya ako at nag-aabang ng kalaban, possible na may bots dito kahit na wala naman akong nakitang bots kanina.

Kinuha ko ang telescope ko sa bag at tumingin-tingin sa paligid, pati sa taas ng mga building, checking kung may snipers ba roon.

Tiningnan ko pa ang paligid, may mga sasakyan doon pero walang tao.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon