Ray's POV
Binaba ko ang tingin ko mula sa buwan.
I hope Ren and the others were doing fine.
Hinawakan ko ang kurtina ng bintana upang isara sana ito pero nagbago ang isip ko.
Sayang ang ilaw ng buwan, wala pa namang kuryente sa bahay na napuntahan namin ni Zero.
We just came across it sa gitna ng kagubatan, ang tanging ilaw lang namin ay ang dalawang gasera at buwan, ang isa ay hawak ko at ang isa ay kay Zero.
Dala-dala ang damit na suot ko kanina at ang gasera ay naglakad na ako palabas ng k'warto.
Narinig ko na mayroong kumukulong kettle sa kusin at naglakad ako patungo roon, lalo pang sumakit ang paa ko at sigurado ako na hindi agad ito gagaling bukas, kailangan ko lang ng painkiller.
Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko si Zero na saktong pinatay ang bukas na kalan.
Nakasuot ito ng jogging pants na black at white shirt na may minimalist na print.
Ang isang kamay n'ya ay nakahawak sa button ng stove, ang isa ay may hawak na damit na itim at nasa ulo n'ya, pinupunasan ang basang buhok nito.
Humarap ito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Ano'ng tinitingin-tingin mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Naligo ka na? Nag-init pa naman ako ng tubig para panligo mo.” sagot nito at lumapit sa akin.
“Hahawakan kita ah, titingnan ko lang kung mainit ka.” dagdag pa nito at nilagay ang palad n'ya sa noo ko, napakunot ang noo nito at nilipat ang kamay sa buhok ko.
Pinagmasdan ko si Zero, I can't deny the fact na ang pogi talaga n'ya, lalo na ngayon na nakabagsak ang buhok n'yang basa at magulo.
Ang attractive nitong tingnan.
Everything he does makes him a man.
“Hindi mo man lang pinunasan nang maayos.” sabi pa ni Zero at nilagay ang damit na itim sa buhok ko, nagtungo ito sa likuran ko upang punasan ang basang buhok ko.
My fingers clenched the sides of my t-shirt.
He's making me feel something.
Huminga ako nang malalim bago magsalita.
“Dalawa kasi 'yong CR kaya habang naliligo ka, naligo na rin ako.” sambit ko at narinig ako ang mahinang ‘hmm’ nito habang pinupunasan ang buhok ko.
“Kumusta 'yong paa mo?” sambit nito at naglakad papunta sa stove, pansin ko na may isa pang nakasalang doon, binuksan nito ang noodles at nilagay sa kaserola na may kumukulong tubig.
“Ayos naman...” sagot ko at nahihirapan na naglakad papunta sa upuan.
Naupo ako sa harap ng lamesa nang biglang may tumunog sa sala.
“Pinto lang 'yon, malakas kasi 'yong hangin, sandali, check ko.” sambit ni Zero at naglakad papuntang sala.
Napansin ko na may mga biscuits sa lamesa, kumuha ako ng isang balot at tiningnan kung expired na ba ito.
“P'wede pa 'yan.”
Tumango lang ako kay Zero at binuksan ang balot ng biscuit.
“Spicy ba gusto mo?” tanong nito at bumalik sa kusina para tingnan ang mga seasonings.
“Ayos lang.”
Pinanood ko si Zero na tinitimplahan ang niluluto nitong noodles.
Bakit ba parang iba s'ya ngayon?
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...