𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗕𝗛 ➢ 28

985 101 51
                                    

“You are so fucked.”

Lumingon ako sa likuran ko nang makita ang kakambal ni Zero na palapit sa akin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

“You can't trust anyone—”

“That's why I don't trust you.” diretsong sambit ko sa kanya.

“I just saved your life, ALL of your lives, I mean.”

Kaya n'ya lang naman kami niligtas dahil kay Zero.

And here he is.

Nagulat ako nang biglang lumapit si Zero kay One at hinawakan ito sa kuwelyo, sinandal n'ya pa ang ‘kapatid’ nya sa pader na katabi ng bintana.

Lalapitan ko sana ang dalawa ngunit tinaas ni One ang kamay n'ya na tila sinisenyasan ako na huwag lumapit.

“Zero—”

“Labas ka rito, Ray.” pagputol ni Zero sa pag-awat ko.

“Okay.” mahinahong bulong ko at naupo sa desk na nasa gilid at nakaharap sa kanilang dalawa.

“Shit, ano 'yan, away?” Lumingon ako sa gilid at nakita si Jordan na papalapit, kumakain pa ito ng chips at naupo sa tabi ko.

“Panood.” dagdag pa nito at ngumiti nang suntukin ni Zero si One.

Ano ba ang problema ni Zero?

“Tama na 'yan, Zero.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na sa dalawa.

“Stop fighting, guys, that's bad.”  Napatingin ako kay Jordan na palokong umaawat ngunit nag-eenjoy naman manood ng away ng iba.

She looks so unserious.

Hindi ko na ito pinansin pa dahil muli na namang sinuntok ni Zero si One at hinagis sa paahan ni Jordan.

“Zero, jusko naman!” naiinis na sambit ko.

“T*nginang suntok 'yan, parang hindi kita kapatid ha.” natatawa at nagmamayabang na sabi ni One habang tumatayo at pinupunasan ang dugo sa labi n'ya.

Palapit na naman si Zero nang tinutukan ko ito ng baril sa sentido.

“Ray, alam naman nating 'di mo itutuloy 'yan—”

“Ako, itutuloy ko 'to.”

Lahat kami ay napalingon sa likuran at nakitang nakatutok ang baril ni Mint kay Zero.

Nasa likuran ni Mint si Ren at si Nia.

“Dumudugo...” sambit ni Nia at tinuro si Zero.

Nilingon ko ito at nakitang dumudugo ang kulay itim na mata n'ya.

“Normal 'yan.” sambit ni Ren at nilapitan si Zero, may inabot ang kapatid ko na maliit na bote kay Zero pero hinawi iyon ng kamay n'ya, dahilan kung bakit mabasag ito at tumapon ang likido sa sahig.

Naging tahimik ang paligid, si Zero at si Ren ay nakatitig sa isa't-isa, alam kong galit pa rin si Zero sa kapatid ko, hindi ko alam kung kailan n'ya mapapatawad si Ren— kasi kung ako s'ya, hindi ko kayang patawarin na lang at kalimutan ang ginawa ni Ren.

Sana lang ay hindi saktan ni Zero ang kapatid ko, kahit papano ay napapalapit na ang loob ko sa kanya at 'pag sinaktan n'ya si Ren, hindi ako magdadalawang isip na patayin s'ya kahit may pinagsamahan kami, pero kung gagawin ko 'yon— sandali, magagawa ko ba 'yon?

Napatingin ako kay One, pakiramdam ko ay alam n'ya ang iniisip ko.

Agad kong tinutok sa kanya ang baril at sakto namang tinutok n'ya rin ang sniper gun n'ya sa akin.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon