"Ren, join a club,"
He hates it, he hates people, but he joined a club.
"Choose black, it looks good on you."
Brown was his favorite color, but he chose black because I said so.
"A prom date? Then ask someone, someone you like."
Wala s'yang gustong kahit sino noong time na 'yon, but he asked someone to go with him.
And for what? For me, to satisfy me.
Kahit ano pa iyan, lagi ako nitong sinusunod, even if it's against his will sometimes.
Pero ngayon, nagpupumilit itong bumalik sa Cyber City at para saan?
Dahil may mga iba pang nakakulong doon kagaya n'ya?
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Kung sinabi mo kanina, baka natulungan pa natin sila." naiinis na sambit ko sa kapatid ko. "Alam mo, 'wag mo 'kong niloloko—"
"Nawala sa isip ko, nalimutan ko, nagmamadali akong makaligtas, that time ang iniisip ko lang ay makaalis at pumunta sa ligtas na lugar kasama ka, pero ngayon— Ate, kailangan kong bumalik."
Huminga ako nang malamin sa kanyang sinabi.
He's my brother but sometimes, it's so frustrating to talk to him.
Nararamdaman ko ang tension sa pag-uusap namin, pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dahil kanina pa kami nagsasagutan dito.
"This is final Ren, hindi tayo babalik doon."
Tinalikuran ko na ito.
"Hindi mo naman kailangang sumama—"
"Oh well, hindi kita pinapayagang bumalik doon—
"Do I look like I'm asking for your permission?"
Oh.
He's acting up now, huh?
Hinarap ko ang kapitad ko at tinitigan ito mula ulo hanggang paa.
Acting like a guy now, huh?
Sinusuway n'ya na 'ko?
"Malaki na 'yang kapatid mo, alam n'ya na kung ano'ng ginagawa n'ya." Napatingin ako sa lalaki nang magsalita ito nang hindi naman s'ya kinakausap, nasa likuran ito ni Ren at nakaupo sa ibabaw ng isang desk.
Ang gandang salita para sa isang taong nagsimula ng lahat.
"Wag kang sumali sa usapan, hindi ka kasama sa pamilya." Hindi ako pinansin nito at umiba na lamang s'ya ng tingin.
"Kasalanan mo 'to, kung hindi ka lang tanga, nakuha mo ang tamang tablet, edi sana hindi na kailangang bumalik pa." dagdag ko pa at sinisi ang lalaki.
Kasalanan n'ya naman talaga.
Madadamay pa ang kapatid ko sa kabobohan n'ya.
"Napansin mo na magaan 'yong tablet at parang may mali pero hindi mo pa rin sinabi, it was partly your fault."
Ah, kasalanan ko pa?
Nilapitan ko ang lalaki at lalo itong tiningnan ng masama.
"Kasalanan ko ba na nahulog mo 'yon, ha? Kasalanan ko bang bobo ka at iba ang nakuha mo? At saka pakialam ko sa tablet na 'yon, hindi ko nga alam kung ano'ng laman ng tablet na 'yon!"
Tumataas na ang boses ko dahil naiirita na ako, kay Ren, sa lalaking ito at sa lahat ng nangyayari sa paligid namin.
"Te," bulong ng kapatid ko sa akin at dahan-dahan akong hinila sa gilid, palayo sa mga kasama namin.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Ação"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...