It's a good thing Ren came to save our ass.
"You're zoning out."
Napatingin ako kay Zero na naupo sa tabi ko at inabutan ako ng bottled water, kukunin ko na sana iyon pero nilayo n'ya sa akin at binuksan ito.
"Negotiating with other people is really not my style." Mahinang sambit ko at kinuha na sa kanya ang tubig.
"Hindi mo na kailangang isipin 'yan, as long as andiyan si Ren." Tinuro pa nito si Ren na nakatayo at nakikipagtawanan kay One at K. "S'ya ang makikipag-usap." Dagdag pa nito at nginitian ko si Zero.
But to be honest, I feel so useless, or maybe overwhelmed lang ako sa mga bagay-bagay, ayoko rin na makipag-ayos or magtiwala sa ibang mga Zones, pakiramdam ko lahat sila may masamang balak sa amin, ang hirap magtiwala.
Tinapik ko ang kamay ni Zero at tumayo ako.
"Excuse me, kailangan ko lang siguro magpahangin." Muli akong ngumiti sa kanya at tumango s'ya sa akin.
Hinawakan ni Zero ang braso ko at hinila ko s'ya patayo, saglit pa nitong ginulo-gulo ang buhok ko bago naglakad palapit sa mga kasama namin habang ako ay tumalikod na at naglakad palabas.
Kinapa ko ang bulsa ko at kumuha ng sigarilyo roon pero naalala ko na wala na nga pala akong lighter.
Huminto ako malapit sa fence kung saan may bot na palapit doon, hindi ko na iyon pinansin dahil isa lang naman s'ya at may fence, hindi n'ya ako malalapitan.
Nagulat ako nang biglang may lumipad na arrow at saktong tumusok sa leeg ng bot kaya bigla itong natumba.
Hindi pa ako nakakalingon sa likod ay narinig ko na ang mga yabag n'ya, kitang-kita ko pa ang anino nito na tumabi sa'kin.
"Showoff ka rin noh?" tanong ko kay Chase bago ito lingunin.
Natawa ito sa sinabi ko at lumapit sa fence upang hablutin ang arrow sa noo ng lalaki.
Pinagmasdan ko lang itong punasan ang arrow n'ya.
"Tama ba, Ray? Ilang beses na tayong nagkikita pero hindi pa tayo nag-uusap." Mahinahong sabi n'ya habang nakaupo sa sahig at inaayos ang mga arrow n'ya.
"Oo nga eh, naalala ko nagkita rin tayo sa Zone namin, ano ba'ng gusto mo—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay tumawa na naman s'ya.
Baliw.
Hindi ito sumagot kaya tumalikod na lang ako sa kanya, lumabas nga ako para makalanghap ng hangin tapos kasama ko naman ang lalaking 'to.
"About that, wala naman akong pinatay sa inyo, so I think we're good—"
"Bakit ka ba andoon? A-Team ka ba?" diretsong tanong ko sa kanya.
Wala nga s'yang pinatay, but there's something...
"Confidential, hindi ako A-Team, sabihin na lang natin na freelance ang trabaho ko, I run errands, and I'm not after that guy, Zero, but someone is after him... and you." Tumayo ito at binalik ang mga arrow n'ya sa likuran n'ya.
"And you're after me?" nagtatakang tanong ko sa kanya at lumapit ito sa akin para tapikin ang balikat ko, agad ko namang tinanggal ang kamay n'ya sa akin.
"Don't worry, if I wanted you dead, you would've been dead by now."
I know for sure that was a threat, I watched him walk away, wala pa s'yang ginagawa para bawian ko at hindi ko alam kung hihintayin ko pa ba na may gawin pa s'ya.
Hindi pa ako bumalik sa loob at naisipang patayin ang mga bots na nasa labas ng fence, dala ko ang baril ko pero sayang ang bala, lalo na at hindi naman emergency ito, kinuha ko na lang ang itak sa gilid at iyon ang ginamit upang patayin ang mga kapiraso ng bot na palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Боевик"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...