𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗛 ➢ 8

1.5K 137 53
                                    

"Do you think police station is still open?" my brother asks.

"Police can't help," sambit ko sa kapatid ko at tinuro ang lalaking kasama namin na sinaksak sa leeg ang isang bot na pulis, I crossed my arms as ren and I watched the guy aim for the perfect spot.

How skilled.

"You're right, he's useful," bulong ko at tinitigan ang kapatid ko umiba ng tingin.

Napakunot ang noo ko pero hindi na gaanong binigyan ng pansin ang nararamdaman kong kakaiba kay Ren, something's off.

"We should get going, Ren,"

I pointed at the bots that were coming towards us.

Sa likod, sa kaliwa at kanan, tumatakbo sila papunta sa amin.

Kumakaripas ang mga paa, ang dudumi nila kahit na mukha silang normal na tao, just like us, kaso lamang ay mga duguan ito, sa kamay, paa at lalo na ang mag damit nila, hindi ko mawari kung dugo ba nila ito o dugo ng ibang tao, dugo ng mga inosenteng taong pinatay nila— kahit hindi naman nila alam 'yon dahil wala na sila sa matinong pag-iisip.

Kakaiba lamang ang mga mata ng mga bot sa normal na tao, iba-iba ang kulay nito.

Pero ang kasama naming lalaki, kakaiba rin ang kanyang mga mata, isang pure black at isang pula ang gitna, malamig din ang kamay at katawan n'ya.

There's something with him.

Habang tumatagal ang pagtitig ko ay napapansin kong halos lahat ng mga bots ay maraming pasa sa mukha.

Some blood still looks fresh.

I bet they enjoyed taking people's flesh.

Napatingin ako kay Ren at pansin kong tinakpan nito ang ilong n'ya, binaba ni Ren ang tingin sa damit kong duguan.

"Ano 'yan—"

"Hindi ako nakagat, sugat ko lang 'yan," mabilis na sambit ko kay Ren bago pa ito mataranta at mag-alala.

Binaba nito ang kamay at nagtataka ko s'yang tinitigan na iniikot ang paningin sa paligid, wala naman akong naaamoy na masangsang, bakit parang hindi n'ya gusto ang kung ano mang naaamoy n'ya?

"Tara, sa University,"

Hinila ng kapatid ko ang kamay ko at tumakbo kami patawid ng kalsada.

"Bakit pa natin kailangang pumasok doon? Mata-trap lang tayo sa loob." pagsalungat ko sa ideya nito.

"It's better to be trapped inside than to die here." sambit naman sa akin ni Ren.

Tiningnan ko ang eskuwelahan na ito at hinila ang kapatid ko pabalik.

"G*go ka! Trese University 'yan! Laki-laki ng eskuwelehan na yan eh, malamang mas maraming bots sa loob, mas delikado, hindi na tayo makakalabas ng buhay d'yan!" sigaw ko sa kapatid ko.

"Oh my God, Ren! Nauntog ka ba? Bakit naging bobo ka?" nagatatakang tanong ko sa kanya at pilit inabot ang ulo n'ya.

"Kaysa naman dito," sagot sa akin ni Ren at tinuro ang palligid na punong-puno g mga bots, wala na kaming ibang madadaanan pa.

Kahit saan ako lumingon ay nakikita ko ang mga bots, wala nga kaming matataguan dito.

Oo na, sige na, tama ka na.

Bumitaw ako sa kamay nito at dumiretso na lamang.

Sinubukan kong buksan ang gate ngunit hindi ito bumubukas.

It's locked.

Lumingon ako sa paligid, ang dami ngang bots na papunta, wala kaming choice kung hindi pumasok na lang dito.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon