𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 ➢ 42

848 96 13
                                    

Ray’s POV

Their heads were completely snapped.

There were at least fifteen guys, all of them dead, lahat sila armado, they got grenades and guns but they were killed using a single knife— and a hand that snapped some of their necks.

It's obviously Zero's doings.

May nakasulat pa sa sahig na ‘0.’

Nasa loob kami ni Alex ng sasakyang nakahinto, nasa harapan si Shawn, napapagitnaan kami ni Alex ng dalawang lalaki, mayroon pang nasa likod kaya hindi kami makatakas.

Naka-handcuff ang dalawang kamay namin sa sasakyan kaya wala kaming magagawa upang tumakas.

“You could send thousands of men to take or kill Zero, but that would never happen.”

Tiningnan ako ni Shawn mula sa salamin bago lumingon sa akin.

“Why bother to send thousands of men if we could just send your dead body to him?”

That shut me up.

“Or...” natutuwa pang dugtong nito.

“We could cut your feet, hands, or limbs off and trace a path so Zero knows where to get that pretty little head of yours, how's that sound?”

F*cker.

“But that won't happen, at least not today, sayang ka naman, we could have a great time you know.”

F*ck him.

“Ano? Bakit hindi ka na nagsasalita? Narealize mo na hindi ka makakatas?”

Tiningnan ko lang 'to ng masama.

“Hindi ka makakatakas, not in my hands and...”

Pinatong nito ang kamay n'ya sa binti ko.

“I don't plan on letting you go, not alive at least.”

Bumitaw ito sa akin bago lumabas ng sasakyan.

Inspecting what Zero had done.

I'm glad Zero's alive and well... I guess.

I can't believe na naniniwala sila na bibigyan sila ng reward 'pag binigay nila si Zero— well, unless it's really a big organization like Cyber City, hindi na mahalaga ang pera ngayon so I suppose safety ang maibibigay nila.

What do they want from Zero anyway?

Lumabas ang mga lalaki sa sasakyan at naiwan kami ni Alex sa loob, kahit na walang nagbabantay sa amin ay hindi pa rin kami makakatakas ni Alex.

Bumuntong hininga ako at tiningnan na lang ang paligid.

“Alam mo ba kung asan tayo?” nagtatakang tanong ko kay Alex at lumingon-lingon ito sa paligid.

“Malapit tayo sa Bus Station papuntang province ng Region two, nasa Brgy. Luena tayo, 30 minutes ang byahe since sa Brgy. Feline, kung saan tayo kinuha, siguro 2 hours and 30 minutes tayo kalayo ngayon sa Zone 13, sana nakalayo-layo 'yong iba at nakatakas, lalo na at maraming bots sa lugar na 'yon.” detalyadong sagot ni Alex sa akin.

Tinanggal nito ang suot n'yang relo at hinagis iyon sa labas ng bintana.

“Para saan—”

“Para malaman nila na andito tayo dumaan, nasa intersection tayo, dito ang daan papuntang limang Brgy., sigurado pupuntahan nila lahat 'yon isa-isa, para hindi sila malito 'pag naghanap.” paliwanag pa ni Alex.

I can't help but feel amazed, matalino talaga s'ya but...

“Makikita ba nila 'yan—”

“Oo, siguradong hihinto sila sa p'westong 'to para magdesisyon kung saan pupunta, mapapansin 'yan ni Lucy, good observant 'yan sa paligid n'ya, saka 'yong kasamahan n'yong si Mint, good observant din s'ya at matalino and I'm also sure Ren will come up with a plan once na malaman n'ya na kinuha ka, hindi ka pababayaan ng kapatid mo.”

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon