"Have a chat daw pero kinulong." Naiinis na sambit ni Jordan habang hinahampas ang selda.
"Hoy!" muli pang sigaw nito at sinubukang hablutin ang isang babae na naglalakad sa labas.
"T*ngina n'yo!" dagdag pa nito at sinipa naman ang ibabang parte ng selda bago naupo sa gilid at mukhang napagod na sa kanina pa pagsigaw.
Sumama kami sa babae at binalibag lang kami nito sa loob ng selda, kanina pa sumisigaw si Jordan pero hindi naman s'ya pinapansin.
Pagod na pagod na ko, ano na naman ba 'to?
Gusto ko na lang magpahinga, maupo, manood ng TV at kumain.
Nagugutom na 'ko...
I hope nasa isang bag namin ang pagkain at wala dito sa bag na hawak ni Ren, baka kasi kunin ito, iyon lang ang mayroon kami.
Tiningnan ko ang mga kasama ko, mukang kinakalma na ni Jordan ang sarili n'ya, si Nia ay nakatayo katabi nito at tumitingin-tingin sa paligid. I'm glad na hindi napuruhan si Nia, hindi ito gaanong lumalaban kanina sa mga bots o sa mga Cyber-human, basta ang mahalaga ay hindi ito nagiging pabigat sa amin.
I'm glad no one did something stupid back there.
I'm glad we survived.
Lumingon naman ako sa likuran ko at nakita ko si Zero, nakaupo lamang sa gilid, nasa dulo sya, nasa pinaka dulo kung saan hindi natatamaan ng sinag ng araw at liwanag pero napansin kong nakaharap ito sa salamin na nasa labas ng selda, tinatakpan ng isang kamay n'ya ang isang mata nito.
Tuwing naiisip ko kung ano'ng nangyari kay Zero, lalo lamang akong naaawa sa kanya at tuwing naiisip ko na si Ren ang dahilan ng bagay na 'yon ay nakokonsensya ako.
I'm starting to believe that Zero is my responsibility now.
Palapit na ako rito pero may kamay na humawak sa braso ko, dahilan bakit hindi ako natuloy kay Zero.
Ang sniper.
"Bitaw nga." sambit ko at hinawi ang kamay nito.
Kamukhang-kamukha talaga nito si Zero.
Kaso ang pagkakaiba lamang ay ang isang mata ni Zero, ang mata nito sa kabila ay itim ang kulay ng sclera, at itim rin ang Cornea at pupil nito, kaya kung titingnan, parang walang eyeball si Zero.
Ang kanan n'yang mata ay mukha namang normal, puti ang sclera pero pula ang pupil nya na parang bampira sa mga palabas.
Ang sa lalaki naman ay noong una ko itong nakita sa rooftop, kaparehas lang din ng kay Zero pero ngayon ay napagtanto ko na asul pala ang kulay ng pupil nito sa kanang mata pero ang kabila ay parehas lamang din ng kay Zero, hindi ko siguro ito napansin noong una kaming magkita dahil madilim.
Red and Blue, Zero is fire and his twin brother is ice.
Ang kay Ren naman ay parehas itim, hindi ko lang napapansin noong una dahil nagsusuot ito ng contact lens.
Ang mga sa bots ay iba-iba ang kulay ng mga mata nila.
"Hayaan mo muna s'yang mapag-isa." sambit ng kapatid ni Zero at tinuro ang kapatid n'ya.
"Andiyan ba sa'yo ang password?" bulong ko rito at kinapa n'ya naman ang bulsa n'ya bago tumango.
"Ano ba ang laman ng tablet na 'yon?"
"The truth." maikling sagot nito sa akin.
About him?
Lalo lamang akong namamangha tuwing tinititigan itong kapatid ni Zero, sobrang identical, pero mukhang magkaibiga ang ugali.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Azione"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...