"Ayos lang ako!"Para akong nabunutan ng tinik nang marinig ang sigaw ni Ren sa baba.
Hinahanap ko agad ito gamit ang scope at nahagip ng mata ko ang pagwawagayway nito sa gitna ng daanan.
Napangiti ako sa kanya at kinawayan din ito.
I'm glad he's fine, pero sino ang sumigaw?
Whoever that person is, it's not my concern, I feel sorry but I'm happy that it's not my brother.
May tinuturo ang kapatid ko sa itaas ng isang building.
Oh, the sniper.
Nakatutok lamang ito sa amin ngunit hindi kami nito binabaril.
But we can't change the fact that he shot my brother.
I aimed for the sniper's head, but I can't seem to pull the trigger.
How weird na nagdadalawang isip akong patayin s'ya ngunit hindi ako nagdadalawang isip na barilin ito.
Nakatakip pa rin ang mukha nito ng tela kaya't hindi ko makita kung sino s'ya.
Sunod-sunod kong pinatamaan paligid nito, ang kahoy sa likod n'ya at ang upuan sa tabi n'ya ngunit hindi man lang ito napailing, hindi nagtago, ni hindi nga yata natakot.
"Ray," pagtawag sa akin ni Zero at bumalik ako sa reyalidad, naalala ko na may plano pa pala kami na kailangan naming sundin.
"Zero, pakibantayan muna ang pinto." Hindi ako sinagot ni Zero at mabilis na lumipat ng p'westo sa harap ng pinto upang hawakan ito ng madiin at hindi makapasok ang mga bots.
"After ko, sumunod na kayo." Wala akong nadadamang kaba sa mga pananalita ni Lex, para bang confident na confident itong mabubuhay s'ya.
"Especially you..." nagtapat ang mga mata namin nang magsalita ulit ito ngunit hindi rin ito nagtagal nang marealize ko na hindi naman ako ang kinakausap n'ya.
Si Kyla, hindi ako.
Nakakahiya...
I tried to hide the disappointment in me.
I hope he didn't saw the hope in my eyes.
"Kilos na." utos ni Zero.
Sinisilip ko ang sniper at hindi na ito nagpakita pa.
Nang makababa na si Lex ay inalalayan ko ang nanay ni Lucy sa lubid.
"Hawak po kayo rito-" Napahinto ako sa pagsasalita nang mapansing pinunas nito sa kurtina ang kanang kamay n'yang hinawakan ko.
Do I look dirty?
Mahina akong natawa.
Kung sinusunod ko lang sana ang intrusive thoughts ko baka kanina pa nakasalpak ang katawan n'ya sa ibaba habang pinag-fifiestahan ng mga bots.
Hindi ko na lang ito pinansin, she's older than me, I should pay some respect to her- hell, respect is not about age, it's about the person, at least, that's what I believe in.
"Tita, makinig ka sa kanya, hindi 'yan sky diving, okay?" pagsabat ni Kyla na pinipilit ilagay ang kamay ni Mrs. Lucina sa dapat nitong hawakan upang hindi s'ya mahulog.
"I can feel the dust here, wala na bang ibang paraan para makababa without using this?" So that's it? Nadudumihan s'ya sa rope?
"Meron po tita, if you want, I can push you down, madali lang 'yon, 'di nga lang sure kung buhay kang bababa pero ang mahalaga nakababa ka na." pamimilosopo ni Kyla.
Nakatitig lang sa kanya si Mrs. Lucina at hindi na nagsalita.
"Just kidding po, pagtiyagaan mo na lang muna, tita, basta humihinga pa tayo, ayos na muna 'yan. Baba na po kayo kasi baka lumindol ulit."
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...