𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗤 ➢ 17

986 97 39
                                    

"Hoy, ano'ng ginagawa mo sa ate ko?" sambit ni Ren at hinila ako palayo kay Zero hanggang sa mabitawan na namin ang isa't-isa.

Parang tanga 'tong si Ren, minsan isip bata, minsan ang sakit magsalita.

"Gusto mo rin ba ng hug?"

Pinigilan ko ang pagtawa sa sinabi ni Kyla, I hate her, but she is funny.

Napalingon ako kay Lex.

He still looks the same from when I last saw him, quite a few days ago, nang muntik n'ya na 'kong masagasaan.

But he doesn't look the same 5 years ago.

I wonder what happened while I was in prison.

Oh I know what happened, he married Kyla and lived a very miserable life.

The life that he never wish to have...

The life he deserves.

Lumapit pa lalo sa akin ang kapatid ko at may binulong.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay sa baba kaysa makasama sila."

Tiningnan ko ang kapatid ko bago sabay kaming umiba ng tingin.

Well, f*ck it, this is awkward.

"Especially her." Pasimpleng tiningnan ni Ren si Lucy, ang pinsan ni Alex, saglit namang napalingon si Lucy sa gawi naming magkapatid.

Binalik ko ang tingin kay Ren at kita ko ang masamang titig nito kay Lucy.

Galit pa rin ba s'ya?

I don't like Lucy as well but I don't think Ren and I share the same hatred towards her.

I looked around to know whether we're in a safe place or not.

Agad akong nagpunta sa pinto at tiningnan kung naka-lock ba ang doorknob, naka-lock naman ito, but this is the only lock the door has, hindi ko alam kung safe ba ito o ano.

Napalingon ako sa lamesang nasa gilid at inurong ko ito upang iharang sa pinto.

"Stranded ba kayo rito? Dead end? Marami ba ang mga bots sa labas?" sunod-sunod na tanong ko sa kanila at isa-isang tinitingnan ang mga bintana, wala akong makitang kahit ano sa labas dahil masyadong madilim doon.

"Bots?" nagtatakang tanong ni Kyla.

"I told you, K, it's bots, hindi zombie." pagsabat ni Lex.

"I really thought it's zombies the whole time!" namamanghang sambit ni Kyla.

"Yes, we're stranded." pagsagot sa akin ni Lex habang kausap si Kyla.

Stranded?

Another problem.

Bumalik ako sa bintang pinanggalingan namin at sinara ito.

I don't know who was shooting us earlier, was it because we have zero?

They're after Zero, everyone's after him, huh?

Was it because they just wanted to?

Maybe they think we're bots so they tried shooting us?

Pero naka sniper gun sila, nakikita nila ang mga kilos namin, halata namang mga buhay kami.

Hindi ko nga alam kung ilan silang sniper, isa lang ang nakita ko, ang magaling na sniper na 'yon.

What do they want from us? Him?

Napalingon ako kay Zero na bigla na lamang natumba.

"Shit, Zero!" natatarantang sigaw ko.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon