RAY'S POV.
—
Pagpasok na pagpasok ko ng silid ay agad na sumalubong sa akin ang baril ni Zero...
Napaatras ako sa gulat dahil pakiramdam ko ay babarilin ako nito.
Ano ba ang ginagawa n'ya?
Bakit n'ya tinutututok sa akin 'yan?
"Take it, kung hindi mo lang s'ya kapatid ay baka napatay ko na 'yan." pagbabanta ni Zero at inabot sa akin ang baril.
Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang baril ni Zero at napansin ko namang akmang lalapit sa amin si Ren.
"Ate—"
"D'yan ka lang."
Tinutok ko kay Ren ang hawak kong baril pero agad ko rin iyong binaba, mali 'yan, Ray.
Kahit ano pa ang nangyari, kahit ano pa ang nagawa ni Ren ay kapatid ko pa rin s'ya.
Hinagis ko sa kanya ang hawak kong bag.
Pansin kong dumudugo ang gilid ng leeg at balikat nito, malamang ay sinaktan ito ni Zero at hindi ko naman s'ya masisisi.
"Gamutin mo 'yang sugat mo." bilin ko sa kanya bago ito talikuran.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko.
So, my brother was depressed the whole time and I don't even know?
Wala man lang akong ideya na ganoon ang nararamdaman n'ya, right, I left him, hindi ko man lang naisip kung ano ang mararamdaman n'ya sa ginawa ko.
Palabas pa lang kami ni Zero sa silid ay sinalubong agad kami ni Nia na hingal na hingal at halatang nagmamadali sa pagtakbo.
Naghabol ito ng ilang hininga bago magsalita.
"Binubuksan..." hinihingal na sambit nito at napahawak sa kanyang mga tuhod.
"Ano?" nagtatakang tanong ko kay Nia.
"Binubuksan ni... ni Alex ang pinto, tinatanggal nila ang mga hinarang n'yo roon ni Zero." dugtong nito sa kanyang sinasabi.
"Ano ba naman 'yan!" naiiritang sambit ni Zero.
Sinara ko ang pinto kung nasaan si Ren, mabilis ko ring sinulyap kung ano'ng ginagawa nito, hinahalungkat na n'ya ang bag ko, mukha namang hindi s'ya gagawa ng kung ano.
Hindi ko na muna inisip ang mga sinabi sa akin ng kapatid ko at sinundan na lang si Nia na nagmamadaling tumakbo patungo sa iba naming kasama.
"Ayun!" sambit n'ya at tinuro ang isang pinto na isang kadena na lamang ang pumipigil sa mga bots na makapasok.
"May hinarang ako rito kanina," bulong ni Zero at lumapit sa pinto, malakas nitong tinulak ang pinto pasara at inayos ang ikot ng kadena bago tumingin-tingin sa paligid upang maghnap ng kahit ano na mahaharang namin.
"Malamang ay tinanggal na nila..." Tinapik ko pa si Zero para ipakita na tinatanggal nila Lex ang mga hinarang namin doon sa aming pinasukan.
"Napipikon na 'ko sa lalaking 'yan—"
Akmang maglalakad na si Zero palapit kay Lex pero pinigilan ko ito.
"I'll talk to them, better find something na mahaharang d'yan para hindi sila makapasok." sambit ko rito at tinuro ang mga bots na nagpupumilit makapasok sa iba pang pinto na andito.
"May mga nakita akong lamesa at upuan na pwedeng iharang d'yan." naglakad na si Nia upang puntahan ang sinasabi nito pero hindi pa s'ya sinusundan ni Zero, nakatayo lamang ito at nakatingin kay Lex.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Acción"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...