𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗢 ➢ 15

971 91 44
                                    

"A-Ayoko pa..."

That voice.

Binuksan ko ang aking mga mata at agad na nilingon si Zero na nakaupo pa rin sa sahig at nakasandal doon.

His gun was still on the side of his head, nagdudugo ang isang mata nito, ang kulay itim na naman nitong mata.

He's still there, still alive...

Para bang nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan nang makitang buhay pa ito at nagsasalita.

"I don't want to die... not yet." dagdag pa ni Zero at pinipigilan ang sarili n'ya sa pag-iyak.

He was emotional.

Sentinemental.

Hindi ko inakala na makikita ko ang ganiyang side ni Zero.

Naaawa ako sa kanya, I can't stand watching another person die, not in front of me, not because of me.

"You won't." Bumitaw ako sa kapit ng kapatid ko at nagmamadaling lumapit kay Zero.

"Ate, nakagat na 'yan! He will eventually turn!" Pilit akong hinihila ni Ren palayo kay Zero ngunit bumabalik pa rin ako.

"But look closely, Ren, he's not turning, he looks normal—"

"Normal? Mukha ba 'yang normal? If he's not turning then he's not normal either." naiinis na sambit ng kapatid ko sa akin.

Tinitigan kong mabuti si Zero, halos puro dugo na ang damit nito, dugo ng mga bot na pinatay n'ya at dumagdag pa ang mga dugo na lumalabas sa mata n'ya.

Nakakaawa talaga s'yang tingnan, nababalot na rin ng sarili n'yang dugo kahit buhay pa.

Binuksan ko ang bag ko at tinanggal ang lahat ng laman nito ngunit hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko.

"Nandiyan ba alcohol?" nagtatakang tanong ko kay Ren at hindi ako niyo sinagot.

Nakagat lang naman ito dahil sakin.

Kung sana nagmadali lang ako at nakapasok agad, hindi n'ya na kailangan pang lumabas para hilahin ako pabalik.

So if he dies, that's on me.

Responsibilidad ko si Zero ngayon.

Magsasalita na sana ako ngunit hindi ko na tinuloy dahil sa mga maiingay na tunog na narinig namin mula sa dulo ng k'warto.

Napakalawak ng k'wartong ito, para bang isang laboratory na may paliko-liko pa sa dulo.

"Ren, maghanda ka ng baril tas pumunta ka sa likod." utos ko sa kapatid ko habang hinihila ang bag ni Zero upang hanapin ang ilang bote ng alcohol na nakita namin kanina sa sasakyan.

"I'll check and secure the back, make sure he won't turn, if he does, alam mo na kung ano'ng gagawin." Tumango ako sa sinabi ni Ren.

"Ingat ka ha, bumalik ka agad." S'ya naman ang tumango sa sinabi ko, patalikod na ito nang muli kong tawagin.

"Ren."

"Ate?" nagtatakang tanong nito sa akin at nilingon ako.

"Sabi ko mag-iingat ka." pag-ulit ko sa sinabi ko sa kanya.

Muling tumango ang kapatid ko sa'kin.

"Opo." sabi pa nito bago tumalikod sa amin ni Zero.

Tinaas ni Zero ang kamay n'yang may hawak na baril at tinutok ito sa ulo n'ya.

"Bang." natatawang sabi ni Zero at umarte na binabaril ang ulo n'ya gamit ang daliri nito.

I can see the small smile hiding on his face.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon