𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗟 ➢ 12

1.3K 119 81
                                    

"Is Zero your name or something you just made up?"

"Something I made up,"

Oh, so... he really has no name?

"Bakit wala kang pangalan?" I know I'm pretty hypocrite and insensitive but... I'm just really curious.

Hindi ba s'ya mahal ng mga magulang n'ya to the point na hindi s'ya binigyan ng pangalan ng mga 'to? Maybe that's too much.

"I—I have a name, hindi ko lang maalala kung ano." mahinang sagot nito habang patuloy na gumagapang papunta sa ibang p'westo.

Oh, so he doesn't remember his name, huh?

May amnesia ba s'ya?

That's the perfect way to put it.

Ngayong nasagot na ang tanong ko kung bakit wala s'yang pangalan, panibagong tanong naman ang iniisip ko.

Bakit hindi n'ya maalala?

"Sa kaliwa ka humawak, may pako sa kanan," Tumango lamang ako sa kanya kahit hindi n'ya ako nakikita dahil nahuhuli akong gumagapang sa kanya, nakasunod lamang ako sa lalaki, somehow, feeling ko ay safe ako sa danger kapag kasama ko 'to, galing kasi n'yang makipaglaban.

Napahinto ako nang makaramdam ng pagtusok sa kanang kamay ko.

"Aray!" naiiritang bulong ko.

May pako pala rito, hindi ko napansin.

Nilagay ko ang daliri ko sa bibig ko at sinipsip ang dugo roon.

"Kaya nga sabi ko sa kanan ka humawak kasi may pako sa kaliwa."

Nilingon pa ako nito upang bigyan ng sermon.

"Kaya nga, sa kanan!" naiinis na sigaw ko.

"Ibig kong sabihin, ang sabi ko kanina ay sa kaliwa ka humawak kasi may pako nga sa kanan."

Napatitig ako sa kanya.

"Pero sabi mo ngayon, kasasabi mo lang na sabi mo kanina ay sa kanan ako humawak kasi ang pako ay nasa kaliwa!" naiiritang kong sagot sa kanya at pansin kong nilingon ako at tinitigan ako ng masama.

"Nagkamali lang ako, ang sinabi ko nga sa kaliwa ka dapat humawak kasi nasa kanan ang pako!" Nagulat ako nang tinaasan ako nito ng boses, kasabay nang paghampas n'ya sa bakal na tila inis na inis na sa akin, dahil sa ginawa n'ya ay umalog ang pinapatungan naming dalawa, muntik na nga akong mahulog, mabuti na lamang ay nahawakan ng lalaki ang braso ko at pinatong ang kamay ko sa isang bakal sa itaas.

"Hindi ba ang sabi mo ay nasa kaliwa ang pako? Edi sa kanan ako humawak—"

"Tanga! Ang sabi ko sa kaliwa ka humawak, sigurado ako kasi ako ang nagsalita."

'Tanga'?

"Kaya pala mali ang sinabi mo kanina," naiinis na bulong ko at gumapang na lamang ulit upang makahanap na kami ng paraan upang makababa rito, pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako dahil s'ya ang kasama ko.

Nakakairitang kausap ang lalaki, napakababaw lamang ng pag-aaway naming dalawa, dahil sa isang pako.

Bakit kasi may pako rito?

Pakiramdam ko ay parehas lang mainit ang ulo naming dalawa dahil sa nangyari.

"Nagkamali lang ako ng isang beses—"

"Dapat ba kapag nagkakamali inuulit-uliit?" naiinis na tanong ko sa kanya

Please, sana matapos na ang walang k'wentang pag-uusap na 'to.

"Alam mo, 'wag nalang tayong mag-usap," He sounds so frustrated already.

Tiningnan ako ng lalaki at patuloy lamang ako sa pag-gapang.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon