𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗡 ➢ 14

1.2K 103 107
                                    

Tumunog ang tablet sa harap ng isang madilim na kuweba.

So, this is the way towards Cyber City.

How odd lang na ang dinaanan ko papuntang Cyber City ay bigla na lang naglaho, maybe advanced ang technology nila, maybe science could explain what happened back there.

Pinagmasdan ko ang kuweba at maliit lamang ito na maraming pasikot-sikot sa loob, at this point, hindi na namin madadala ang sasakyan.

We packed everything we could use, Ren took everything, may dala itong sariling bag ng mga baril at pagkain na nakuha n'ya.

Kahit si Zero ay kinuha na rin ang isang military bag laman pa rin ang mga gamit na pinalagay ni Ren, in short, pinagbitbit n'ya lamang si Zero, buti na lang ay pumayag ito.

"Ate, p'wede ba na ilagay mo 'to sa bag mo—"

"'Di pa ba sapat lahat ng 'yan?"

Ano na naman ba ang ipapadala nito?

Kulang na lang ay kalasin namin ang sasakyan at dalhin ang mga parte at gulong nito para lang makuntento ang kapatid ko.

"Akin na," biglang pagsabat ni Zero at hinila ang pistol na inaabot sa akin ni Ren. "Kasya pa 'yan sa gilid."

Tinulak ni Zero patalikod ang kapatid ko at pilit siniksik ang pistol sa gilid ng bag nito.

Napatingin sa akin si Ren, mukhang nagtataka s'ya sa kilos ng isa.

Alam kong deep inside ay gusto 'yan ni Ren, he always wanted to have an older brother.

Napatingala ako nang mapansin ang pagtaas ng araw.

The sunrise was too beautiful for this cruel world.

I don't think we deserve to see this beauty every morning.

"I prefer the sunset more." sambit ng kapatid ko habang nakatingala rin.

Tinapik ko ang likod ng kapatid ko at binulungan ito.

"Same,"

Magkapatid nga talaga kami.

Napalingon ako kay Zero na pinagmamasdan din ang pagsikat ng araw.

"Ikaw?"

"Sunrise."

Sunrise pala ang gusto n' ya.

"Bakit?" interesadong tanong ko kay Zero.

"Simply because sunset means we survived today while sunrise symbolizes another day."

Napatitig ako sa kanya.

Tinaas nito ang kamay n'ya at tinuro ang araw, sinundan ko naman ito ng tingin.

"Sunset is fulfillment, sunrise is either hope or anxiety." dagdag pa ni Zero bago ibaba ang kanyang kamay.

"Between the two, what is sunrise for you?" nagtatakang tanong ko sa kanya, napatingin ako sa kapatid ko na naghihintay din ng sagot ni Zero.

Ilang segundo kaming naghintay ngunit hindi na sumagot si Zero, maybe his head is so f*cked up to the point that he couldn't even think if tomorrow is good for him or not.

Kaya n'ya siguro gusto ang sunrise dahil mas mahalaga sa kanya ang kinabukasan, habang sa aming magkapatid ay mas mahalaga ang kasalukuyan, ang paglubog ng araw, a sign na kahit ano'ng nangyari ngayong araw na 'to ay magkasama pa rin kaming dalawa.

Still, ang ganda pa rin n'ya magsalita.

Mukha talaga 'tong matalino, I wonder what he does for a living before all this.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon