“One, two, three, four, five, six... seven....” pagbibilang ni One sa mga bangkay ng mga pinatay namin kagabi.
Nakaipon ito sa bakanteng lote kung saan halos lahat kami ay nakaikot dito at pinagmamasdan ito habang chinicheck ni Ren ang mga gamit at laman ng mga bulsa nila.
Gagawin dapat namin ni One 'yan ngunit nakatulog na kami kagabi pagtapos, hindi namin nahanap ang may-ari ng pana, ganoon din pala ang nangyari kay One, habang tinatanong n'ya ang isa ay pinana na agad ito.
Pansin ko sa dulo ng pana na may kulay blue iyon.
Ang gandang tingnan, maganda sana ito kung hindi kami ang tinatamaan.
Nilapat ko ang kamay ko sa ere upang pakiramdaman kung umuulan pa rin.
Malamig ang simoy ng hangin pero wala namang ambon kahit na madilim din ang mga langit.
Lahat kami ay naka-jacket maliban lang kay Mint na nakasuot lang ng t-shirt na puti at si Jordan na nakasando lang, ang polo nito ay nakatali sa baywang n'ya, may mga grasa pa ito at amoy gasolina s'ya, inaayos n'ya kasi ang nakita nitong sasakyan sa garahe.
“Oh.”
Napatingin kami nang dumating si Nia na may dalang tray at mga tasa na mayroong kape, tutulungan ko sana ito ngunit dali-dali s'yang pinuntahan ni Jordan upang kunin ang bitbit n'ya at binaba iyon sa upuan.
Nagkatinginan kaming dalawa ni K pero hindi ko alam kung bakit ako tumimgin sa kanya, tiningnan ako nito at binalik ang tingin kay Jordan at Nia, alam ko na agad ang ibig n'yang sabihin.
Siguro iniisip n'ya na may something sa dalawa.
Hindi ko na lang ito pinansin na pinagmamasdan si Nia at Jordan na nag-uusap, pinipilit pa ni Nia na magsuot ng jacket si Jordan pero mukhang ayaw ni Jordan dahil marumi raw ang damit n'ya habang si Nia naman ay namimilit pa rin, sabi pa nito na lalabhan n'ya na lang daw.
Binalik ko ang tingin kay K pero wala na ito sa pwesto n'ya, nagulat ako nang nakitang nasa gilid ko na pala ito at naka pamaywang pa.
“Pinapahirapan n'yo naman si Mint, hindi pa nga s'ya tapos maglibing, binigyan n'yo agad ng bagong bangkay.” natatawang bulong ni Ren at nilapitan ito ni One upang tulungan sa pagtingin ng gamit ng mga iyon.
“Sino ba nagsabing ililibing 'tong mga 'to?” mahinahong tanong ni One at tinuro ang wall sa labas ng Zone 13.
“Let's hang them up outside, just a warning na 'wag silang pumunta rito.” he added.
“Warning or bragging?” neutral lang ang pagkakasabi ni Mint pero halata na nainis ito sa sinabi ni One.
“Both.” diretsong sagot sa kanya ni One at tumayo habang pinapagpag ang mga kamay nito.
“I'm sure they'll keep coming back for Zero and they won't stop until they get him, isabit na lang sila sa labas para naman warning sa—”
“Keep them here, ililibing ko sila.” Mint cuts him off.
Pansin kong naging seryoso ang tingin ni One kay Mint na naghuhukay na ngayon at nagkatinginan kaming dalawa ng kapatid ko.
Natawa ni One sa sinabi ni Mint kahit halatang naiinis na ito.
“Why would you even waste time burying them? You don't even know them, let's hang them up—”
Huminto si One nang mapansing hindi naman nakikinig si Mint sa kanya.
“Hindi ako susunod sa'yo, Mint—”
“I'm not expecting anything from you, take them.”
Saglit itong tiningnan ni Mint bago binitawan ang pala at lalapit na sana si One sa mga bangkay nang magsalita pa ulit si Mint.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...