"End of the world na ba?!" naiinis na sigaw ni Ren habang nakahawak sa dulo ng lamesa.
Tanga, ba't ngayon n'ya lang napagtanto?
Dahil sa paglakas ng lindol ay nagkakahulugan na ang mga gamit dito, pati ang ilang cabinet, tila ba naglalakad na sila mag-isa.
Tumama pa nga ang pinakamalaking cabinet sa door knob ng pinto bago ito natumba sa pintuan.
Shit, nasira ang lock!
Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto at may ilang bots ang malapit nang pumasok sa loob.
Kahit pa umaalog ang building ay nagmamadali akong tumakbo palapit sa pinto, napansin ko ring kasunod ko pala si Ren.
Mabilis naming hinila ang pinto pasara.
Hinawakan ko ang doorknob at nasira nabaklas nga ito, nagkalas ang mga parte sa kamay ko.
"Ano 'yan, fake?" narinig kong sambit ni Ren habang sinasara ang pinto.
"Open mo nga sandali." pag-utos ko sa kapatid ko at binuksan n'ya ng kaunti ang pinto.
Marami ngang bots sa labas.
Papalapit na sila sa amin.
Bago pa makalapit ang isa ay sinara ko na agad ang pinto.
Nararamdaman kong lalo pang napapalakas ang lindo.
Bakit ba ang tagal?
Bakit hindi pa rin ito humihinto?
Kung magtatagal pa ito ay malaki ang chance na bumigay ang building o mahulugan kami ng mga gamit, in that case, we won't surely survive, baka ma-trap pa kami sa loob.
Naghanap kami ng makakapitan ni Ren, nahihilo na 'ko, pakiramdam ko ay para akong nasusuka, tila ba nakasakay sa barkong patuloy na umaalon-alon, parang umaalon ang sahig at paligid ko.
"Tabi!" sigaw sa amin ni Zero at nagmamadaling tumayo kahit malakas parin ang paglindol.
Mabilis nitong tinaas ang cabinet na nakaharang sa gitna at tumabi naman kami ni Ren sa magkabilang gilid nang itulak ni Zero ang cabinet sa pinto.
Sandali, asan na nga ba ang mga baril namin?
Lumingon ako sa paligid upang hanapin ang bag na dala-dala namin.
"Ray!" Nilingon ko si Zero at may hinagis ito sa akin.
Sinalo ko ito kahit hindi ko naman alam kung ano.
Laking gulat ko nang mapagtantong ito pala ang bag ni Ren na maraming baril.
Napangiti ako kay Zero, lagi s'yang handa at maaasahan.
May hawak na rin na baril ang kapatid ko at si Zero, ayos 'to, para handa kami kahit ano'ng mangyari.
"Lex..." pagtawag ko naman kay Lex na nakatayo at nakasilip sa bintana habang ang isang kamay ay nakakapit sa lamesa.
Kumuha ako ng isang baril at sinabit sa katawan ko ang tali bago ihagis kay Lex ang bag.
"Para saan 'to?" nagtatakang tanong nito sa akin.
"Is this really necessary?" dagdag pa nito.
Knowing him, tatanggihan n'yang gamitin ang baril.
"Oo, that's the reason why we're still alive." sagot ko sa kanya at nang maramdaman kong huminto ang pag-alog ng building ay naglakad ako palapit sa bintana.
Bakit madilim pa rin dito?
Sigurado akong ilang oras na ang nakalipas, dapat nga siguro ay umaga na, bakit gabi pa rin?
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...