"Gaano tayo katagal dito, Ray?" nagatakang tanong ni Zero habang nakasilip sa bintana.
Tingnan mo 'tong tangang 'to, kanina ko pa sinasabing 'wag sumilip dahil may sniper nga sa labas.
"Lumayas ka nga d'yan, lapitin ka pa naman ng disgrasya." naiiritang sambit ko rito, paulit-ulit kasi na hindi nakikinig.
"Paano ko malalaman 'pag nakita n'ya na 'ko?"
"Ewan ko, siguro 'pag butas na mata mo."
Natawa ito sa aking sinabi.
Sige tawa ka lang d'yan, mamaya nabaril ka na.
Ayan ba ang tinatawag na huling halakhak?
Lumapit ako sa bintana at sinara ang kurtina.
Saglit akong napatingin kay Zero, he looks a bit happy, a bit normal, I could say.
Siguro hindi pa sinasabi ni Ren sa kanya ang mga nalaman namin, hindi ko alam kung makakatawa pa s'ya 'pag nalaman n'ya ang nangyari sa kanya.
"Remember when I told you na nagugutom ako? Pabalik pa lang ata tayo no'n dito."
Tumango ako rito, ano'ng point n'ya?
Na mula kanina hanggang ngayon ay nagugutom pa rin s'ya?
"I am in fact craving for some meat." Napahinto ako sa pag-aayos ng kurtina at tinitigan si Zero na seryoso na ngayon.
"To be exact, human meat." Nilingon rin ako nito.
"I was bitten, right? Hindi ko kinain ang tao dahil ito ang sinasabi ng katawan ko, hindi dahil sa nakagat ako at ngayon kagaya na rin nila ako, kinain ko 'to dahil gusto ko, it was a choice weirdly chosen by me, para bang sanay na sanay akong gawin 'to, parang matagal ko nang ginagawa... I consciously did it, I was hungry for something... human."
Ano'ng ibig n'yang sabihin?
Akala ko kaya n'ya kinain ang taong iyon ay dahil sa nagsisimula na itong maging bot.
"Nasa tamang pag-iisip ako, I remember seeing you and calling your name while you walked backwards because you're scared..."
Sino ba ang hindi matatakot sa kanya?
"And I'm sorry if I scared you." he added.
"I also remember your warmth, I remember how we hugged each other here..."
Tila ba hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang banggitin n'ya iyon.
Bakit ba binanggit n'ya pa?
Dapat nakalimutan n'ya na 'yon.
"Remember what I said when it's just the two of us?"
Oh shit.
Sana maiba na ang topic namin.
"Ano'ng masasabi mo? It's only the two of us, now."
Napalunok ako sa sinabi nito at sinamaan ko s'ya ng tingin.
"I was just thankful—"
"I get it." maikling sagot ko sa kanya at nagkatinginan kaming dalawa bago ito sumilip sa bintana.
Ayan na naman s'ya!
Tinitigan ko ito ng masama at sinara n'ya na ang kurtina.
As he should.
"Sinabi mo ba sa kapatid mo na kumain ako ng tao—"
"Hindi, manahimik ka nga..." mahinang sambit ko at nilapitan ito.
"Itago na lang natin 'yon."
It's not like I don't trust Ren, pero mas maganda n na kung kaming dalawa lang ni Zero ang nakakaalam nito.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...