Patuloy nang lumalakas ang ambon at nagmamadali kaming bumalik ni Jordan at Mint sa bahay kung asan si Lucy at si Kyla.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Zero at si Ren na nag-uusap sa kusina, napatingin sila sa akin, napahinto pa nga si Ren sa pagsasalita, mukhang may sinasabi ito at nakikinig si Zero sa kanya, nakakunot pa ang noo ng kapatid ko.
Hindi ko sila pinansin at hindi rin nila ako pinansin.
Parehas lang silang dalawa na ayaw tulungan si Lucy at Kyla, magsama muna sila d'yan.
Dumiretso ako sa k'warto kung saan nakita ko si Nia na kausap si Lucy, gising na rin si Kyla, nakahiga lang ito at nakatingin sa paligid.
"Ray!" natutuwang sabi ni Lucy nang makita ako.
"Kumusta ka?" tanong ko sa kanya at nilapitan ito.
Tumango-tango s'ya sa akin.
"Salamat talaga, Ray, hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad at magpapasalamat—"
"Sabihin mo na kung asan si Alex." Napatingin ako kay Kyla nang magsalita ito.
"Asan?" nag-aalalang tanong ko.
"Sabi nila kinuha raw ng mga lalaking may panyo na red."
Agad na lumapit si One sa amin nang marinig ang sinabi ni Nia.
"P*ta, asan sila?" natutuwang tanong ni One, gustong-gusto n'ya talaga mabawi ang baril n'ya.
"Ganito kasi, nakasakay kami sa sasakyan, tapos may mga gamit kaming dala, naghahanap kami ng maayos na place na p'wede naming pagpahingahan, then may bumaril ng sasakyan namin, tapos may laser—"
"Tapos may sasakyang lumapit sa inyo, marami sila, tinutukan kayong baril at kinuha ang mga gamit n'yo." pagputol ni One sa sinasabi ni Kyla at pansin ko na nagtaka ang mukha nito.
"What the fuck?" nagtatakang tanong n'ya at pinagmasdan si One.
"Ayan ba 'yon? S'ya ba 'yon?"
Hindi mapinta ang mukha ni Kyla sa pagtataka.
"Blue ba 'yon— hindi ba kulay pula ang mata ng lalaking 'yon? Ano nga ulit pangalan—"
"Zero, hindi 'yan si Zero, si One 'yan, kambal n'ya, ituloy mo na ang k'wento—" pagputol ko sa sinasabi n'ya but she cuts my words too.
"Zero, One? The f*ck?" natatawang bulong n'ya at tinitigan ito ni Lucy.
"Sorry, natawa lang." mahinang sambit ni K.
"Yes, ayon nga ang nangyari— ginawa rin ba sa inyo?"
"Oo, lahat ng baril namin kinuha." sagot ni One kay Kyla.
"Kyla—"
"K." pagtama n'ya sa sinabi ko.
"K?" nagtatakang tanong ko.
"K na lang, 'wag mo nang buuin."
Gusto n'ya na tawagin s'yang K?
"Okay, Kyla—K—"
"Thanks, kayo ba, hindi kinuha, I mean kinuha kasi kami."
Nagtataka ko itong tiningnan.
"Kinuha kami, syempre doon na kami nanlaban—"
"Kinuha kayo kasi babae." sambit ni Mint na nakasandal sa pintuan ng kwarto.
"Babae rin naman kami, tapos hindi kami kinuha ni Nia—"
"Hindi tinuloy eh."
"Pero balak silang kunin?" nagtatakang tanong ko kay Mint.
"Oo, hindi n'yo ba napansin One na pagtingin ng mga lalaki sa atin, nagbulungan ang dalawa tapos bumalik 'yong isa sa lalaki na siguro leader nila, tinuro si Nia at Jordan—"
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...