“Go, go, run!” natatarantang sigaw ko kay Zero at tinapik-tapik ito sa likuran upang bilisan n'ya ang pagtakbo, dahil sa ingay ng mga nangyayari ngayon ay napalibutan na kami ng mga bots.
“Ren? Ren!” tanong ko sa kapatid ko gamit ang walkie-talkie pero hindi ito sumasagot.
“May nakikinig ba ngayon—”
“Kung walang sumasagot, siguro andoon na sila sa sasakyan, hindi na yata abot ang signal doon.” sambit ni Zero sa akin at hinila ako upang paunahing maglakad.
“Pahiram.” Kinuha nito ang baril mula sa A-Team at binaril ang mga bots sa likuran namin.
Namangha kaming dalawa dahil kahit nabubulok na ang katawan ng mga bots na iyon ay nalapnos pa rin ang mga ito at nanghina, it's working but it's not enough, masyadong maraming bots ang nasa paligid.
Tinulak ko ang lamesa sa gilid upang matamaan nito ang ilang bots sa paligid namin ni Zero, nasa loob pa rin kami ng abandunadong building na ito at hindi makalabas-labas, nasa bandang itaas kami at hindi namin madaanan ang bintana dahil may mga bots na umaakyat doon.
Medyo bumabagal na rin ang kilos ko dahil napapagod na ako, nanghihina na ang mga paa ko at ang sakit-sakit na ng sugat ko sa kamay.
“Shit!” Napamura ako sa inis nang isang dead end na pinto ang mapuntahan namin ni Zero.
Sarado ang fire exit!
Kinatok-katok ko ang pinto at sinubukan itong buksan, nagulat naman ako nang makita si Alex na tumatakbo pababa ng hagdan.
Kinabog ko ang pinto upang makuha ang atensyon nito.
“Alex! Alex!” natatarantang sigaw ko at pinaghahampas pa ang pinto, ilang sigaw pa at nilingon ako ni Alex, napangiti ako nang makita kong nakatingin s'ya sa akin, tinuro ko ang door knob dito.
“Pabukas—” Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko ay tumakbo ito papunta sa pinto para buksan iyon.
Pagbukas n'ya ay nagmamadali kong hinila si Zero papasok at binaril naman ni Alex ang pinakamalapit na bot kay Zero.
Hinila na rin ni Zero papasok si Alex sa loob dahil maaabutan na s'ya ng bot.
Hindi agad nito nasara ang pinto dahil may mga bots na kumaripas ng takbo at sinunggaban ang pinto, nagpupumilit na pumasok, tumalikod si Alex sa pinto upang harangan ito at nakaharap naman si Zero, pilit na sinasara ang pinto, habang ako ay nakatagilid at pilit itong sinasara.
Napansin kong bumitaw si Alex at lumapit sa fire extinguisher, binasag n'ya ang glass na 'yon at kinuha ang fire extinguisher.
“Wala na ba kayong bala—”
“Wala.” sabay na sumagot ang dalawa sa tanong ko.
Lumapit si Alex sa pinto at pinaghahampas ang mga kamay ng bots.
“Buksan n'yo 'yong pinto, itutulak ko lang—” Hindi ni Zero pinatapos magsalita si Alex, tinulak ako ni Zero palayo at agad na binuksan ang pinto upang itulak ang mga bots palabas at ganoon din ang ginawa ni Alex na gamit ang fire extinguisher.
Nati-trigger ng dalawa ang mga bots sa paligid dahil ang iingay ng mga bot na iyon at marami pa ang lumalapit sa kanila, hinawakan ng isang bot si Zero sa braso at akmang kakagatin nang itulak ko ang bot palayo at inuntog ito sa pader bago s'ya ihagis sa ilang bots na malapit sa amin.
Hinarang ko ang paa ko sa pinto dahil baka tuluyan kaming makalabas at sumara ang pinto na ito, mahirap na at baka magloko pa mamaya at ayaw n'ya nang bumukas.
Napansin ko ang isang bot na hinila ang dalawang paa ni Alex, mabuti na lang at mabilis na sinipa ni Zero ang mga paa ng bot na iyon.
“P'wede na 'yan!” sigaw ni Alex at tinapik si Zero, hinila ako ni Zero at pinaunang pumasok, hinawakan ko naman ang pinto at sumunod si Zero, panghuling pumasok si Alex at nagulat ako nang biglang mabasag ang maliit na glass sa pinto at pumasok ang kamay ng bot, hindi ako nakalaban nang bigla nitong hinila ang balikat ko at nilapit ako upang kagatin.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...