Ray's POV
I couldn't sleep.
Nilabas ko na lang ang mga bote ng alak namin ni K.
Ang bilis n'ya talagang malasing.
I also made sure the window was locked, malaki ang Zone 13, hindi namin alam kung may nakakapasok ba rito o wala.
Tahimik kong sinara ang pinto kung asan natutulog si K.
Hindi naman na gaanong masakit ang paa ko kaya sigurado ako na magaling na 'to bukas o sa susunod na araw.
Walang ilaw ang sala, mga gasera lang ang mayroon kami, binaba ko ang mga bote sa kusina at napansin ang liwanag sa sala kung saan nakita ko si Mint na natutulog sa sofa at walang kumot, may flashlight pa sa sahig at nakababa ang kamay nito, halatang nahulog n'ya ang flashlight.
Kinuha ko ang gasera sa kusina at nilagay iyon sa lamesa na malapit kay Mint.
"Ayan."
Naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin kahit na nakasara naman ang mga bintana.
Hindi ba nilalamig si Mint sa ganiyan?
Nagpunta ako sa isang kwarto at nakitang natutulog sa loob si Nia at Lucy habang si Jordan ay nasa couch.
Inayos ko ang kumot ni Jordan at tinaas ang kamay ni Nia na nakababa.
Kumuha ako ng isang kumot at nilagay iyon kay Mint, saglit ko itong pinagmasdan, mukhang mahimbing ang tulog n'ya, kahit natutulog s'ya, mukha pa rin s'yang seryoso, mukha pa rin s'yang galit.
Kinuha ko ang flashlight pati ang isang baril at kutsilyo sa kusina, gusto ko labg mag-ikot-ikot ngayong gabi, magdadala lang ako ng ganito para maramdaman ako na safe ako, mahirap na mag-isa.
Binuksan ko ang pinto at pumasok agad ang malamig na simoy ng hangin, narinig ko pa ang pagkilos ni Mint at inayos ang kumot n'ya, lalong binalot ang sarili roon.
"Sorry..." mahinang sambit ko at lumabas, dahan-dahan kong sinara ang pinto.
Malalim na ang gabi, walang bituin sa langit, napakatahimik pa ng paligid.
Kahit malamig ay ayokong mag-jacket dahil masarap sa pakiramdam ang hangin.
Lumapit ako sa gate na inayos ni Zero.
Inayos n'ya pa talaga 'to bago s'ya umalis.
It makes me even more guilty, after everything he did for me, kung ano-ano ang mga nasabi ko sa kanya.
Napansin ko na gumagalaw ang gate at pagtingin ko sa itaas ay may nakita akong tao na tatalon pababa sa akin.
Agad akong umatras at hinintay itong tumalon, pagbaba n'ya ay hinila ko ang braso nito.
"Ray? Ako 'to!"
Agad kong tiningnan kung sino 'to.
Zero?
Napansin ko ang isang mata nitong kulay asul..
"Uno." sambit ni One at binitawan ko agad s'ya.
Ano ba naman kasing ginagawa n'ya sa taas?
"Para naman kasing akyat-bahay eh." naiinis na bulong ko.
Hinubad ni One ang jacket n'ya at tinali iyon sa baywang n'ya, kahit saan din talaga s'ya magpunta kasama n'ya ang sniper gun n'ya
"I guess hindi pa rin umuuwi si Zero?" tanong nito sa akin habang inaayos ang jacket n'ya sa baywang n'ya.
"Wala pa rin, hindi mo pa rin ba nakikita?"
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...