𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗕𝗜➢ 39

825 83 17
                                    

“Ray!”

Lumingon ako sa likuran ako at nakita si Jordan na nakatingala sa akin at nakahawak ang dalawang kamay sa baywang n'ya, mukhang problema ito, pansin ko na may nakakusot pa itong papel sa kaliwang kamay.

“P*t*ngina, may problema tayo—”

“Lagi naman!” sigaw ko pabalik sa kanya upang marinig ako nito at dahan-dahang bumaba, nilapitan ako ni Jordan at itataas ang hawak na papel.

“Nakita ko na.” Tinaas ko rin ang hawak kong papel, sigurado ako na papel 'yan ng wanted poster ni Zero.

“Hindi pa 'yan, may mga tao sa labas, sa Zone 2, they're looking for him.”

Shit.

Tinalikuran ko na ito at maglalakad na sana patungo sa gate nang hawakan ni Jordan ang braso ko.

“Marami sila, armado pa—”

“Kaya nga, hindi naman tayo p'wedeng magtago lang dito, aambushin lang tayo rito eh.” naiiritang sagot ko at naglakad na patungo sa gate kung saan natataranta akong nilapitan ni Nia, hinawakan n'ya ang kanang braso ko at halata ang kaba nito dahil sa panginginig ng mga kamay n'ya.

Umiling-iling sa akin si Nia.

“Ray, hindi natin sila kaya—” Huminto ito sa pagsasalita upang tingnan ang paligid.

“Hindi ko nakikita si Ren at si One, wala pa si Zero, feeling ko papatayin—”

“Shh, hindi 'yan, ako bahala.” Tinapik ko ito sa balikat at tinanggal ang kamay n'ya sa braso ko, bubuksan ko na sana ang gate pero pinigilan pa ako nito.

“Ray—”

“Nia, okay lang 'yan.” Kahit medyo kinakabahan ako ay hindi ko dapat ipakita sa kanya, baka kasi lalong kabahan ito.

Nang buksan ko na ang gate ay tinaas ni Nia ang magkabilang kamay n'ya na tila nag-susurrender.

“Hands down.” sambit ko at binaba ang mga kamay n'ya.

“We don't always surrender.” dagdag ko pa at mahina itong tinulak upang patabihin ko sa gilid.

Nakita ko naman si Mint na nakatayo lang sa gilid at nakatingin sa amin ni Nia.

“Mint, if things get messy, you know what to do.”

Hindi ito sumagot, tumango lang s'ya sa'kin.

‘You know what to do.’

Alam n'ya naman siguro, 'di ba?

Tumakas sila.

Ayon lang.

Hinila ko ang baril sa gilid ng gate at inipit iyon sa belt ko bago tuluyang lumabas ng gate kung saan nakita ko ang ilang mga tao na nakatayo roon, sa hindi kalayuan ay may mga sasakyan akong nakikita.

Lalo akong kinabahan dahil marami nga sila, armado pa at halatang hindi namin kaya.

Palapit ako sa kanila nang magsalita ang isang babae, matangkad na babae na mukhang nasa mid 40s na, naka pony tail ang buhok nito at may tig-isang baril sa magkabilang baywang.

“D'yan ka lang.”

Hindi ko ito pinakinggan at naglakad ako palapit sa kanya ngunit biglang may bumaril ng lupang aapakan ko kaya hindi na ako nakahakbang pa.

“Hindi ka marunong makinig.” dagdag pa nito na hahakbang naman palapit sa akin ngunit nagulat ito nang may bumaril ng lupang aapakan n'ya, napaatras ang babae sa gulat.

Kitang-kita ko ang kulay pulang laser sa lupa na onti-onting umaakyat patungo sa noo ng babae.

Must be One.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon