𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 ➢ 51

854 84 36
                                    

Ray's POV

"Jasper—"

"Okay lang 'yan." He reassured.

Nakakunot ang mga noo namin at nakahawak sa mga baril nang mag-drive palapit si Jasper sa ilang mga tao sa gilid ng highway.

Nagmamasid si Alex sa paligid habang si Zero ay saglit na tumingin sa akin bago ilipat ang tingin kay Jasper na nakahawak sa manibela. Umiling ako kay Zero, I know he's asking for permission to kill Jasper if he does something unthinkable.

Since we heard that Zone 2 was wiped out, we wanted to check, knowing na may kasalanan kami sa bagay na 'yon, it's just the four of us here, Jasper, Zero, Alex at ako.

Jordan and Nia are out, ganoon din si Mint, alam ko pati si K ay may pupuntahan din. Si Lucy, Ren at Jay lang ang naiwan sa Zone.

Nilapitan kami ng ilang lalaki at isang babae sa gitna nila, nakasuot pa ng nakabaliktad na cap ang babae at sumandal ito sa sasakyan namin.

"Department." sambit ni Jasper at may kinuha sa bulsa n'ya, tiningnan ko itong maigi at nakita na isa tong ID card.

Binigay n'ya iyon sa babae at ngumiti pa si Jasper doon.

"Pangit." rinig kong asar ng babae kay Jasper at ginulo-gulo ang buhok nito bago saglit na mapatingin kay Alex.

Sinilip kami ng babae sa likod ng sasakyan at bumagsak ang mga tingin n'ya kay Zero, napangiti ito na hindi ko alam kung namamangha ba o natatawa.

"Ayan pala ang sikat na si Zero, ang artista ng apocalypse—"

"Shut up, Ken." natatawang sabi ni Jasper bago itago ang ID card n'ya pero hiniram ito ni Alex upang tingnan.

Mukhang bagong gawa pa lang ang ID na 'yon.

"Tapos ikaw..." Tinuro ako ng babaeng nagngangalang Ken, napansin ko na may suot din itong ID na may litrato n'ya rin kagaya ng kay Jasper at nakalagay sa ibaba, 'DEPARTMENT'.

"Ran? Ren? Rin?"

"Ray." sagot ko sa kanya at tumawa ito.

"Right, right, Ray, sino nga ulit 'yong Ren? Ayan ba? Ikaw ba si Ren?" Tinuro ng babae si Alex na nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Hindi 'yan, tanga—"

"Sorry, so sino s'ya?" Mahina akong natawa sa tanong n'ya, she just wants to know Alex's name.

"Wala ka na doon, alis d'yan."

Paloko itong tinulak ni Jasper at pansin kong may binulong ang babae kay Jasper, tinuro pa nito si Alex sandali at tumawa naman si Jasper.

Mukhang type pa yata nito si Alex. Hindi na nagsalita si Jasper at kumaway na lang kay Ken, hinintay ni Jasper kumaway pabalik si Ken bago ito nagmaneho palayo.

Binalik ni Alex ang ID card ni Jasper sa kanya.

"Bago lang 'yan?" nagtatakang tanong ko kay Jasper.

Tumango ito sa akin.

"Remember that guy, Chase? Nag-suggest kasi s'ya sa Department na gumawa ng mga ID card para sa mga nagtatrabaho sa Department para mas 'professional' daw ang dating, nagustuhan ni Ms. Pat ang idea n'ya kaya ayan." paliwanag ni Jasper.

Hindi ko pa rin makalimutan na nagpunta ito sa Zone namin, I don't know who he was trying to kill there, but probably he's after Zero, pinatay n'ya ang mga taong nagpunta roon, ang A-Team, pero hindi n'ya kami ginagalaw, he's after something.

"Matagal na ba kayong magkakilala?" panimulang tanong ko kay Jasper. Chase intrigues me. "Nakilala ko lang s'ya noong niligtas n'ya ko, ganoon mo rin s'ya nakilala, 'di ba? When he saved you."

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon