𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 ➢ 41

879 96 41
                                    

K’s POV

“Where's Ray? I don't see her! Nagkahiwalay kami pagpasok sa damuhan!” natatarantang sigaw ko at pinandilatan ako ni Jordan.

Shit, ang ingay ko.

I just can't help it, natataranta ako na hindi kasama si Ray!

T*ngina naman kasi!

Naiinis kong tiningnan ang braso ko na sumabit sa alambre, bakit kasi tatanga-tanga ako at sumabit ang kamay ko sa manipis na alambre, nabitawana ko tuloy s'ya.

Tiningnan ko si Lucy na hinihingal nang tumakbo bago ilipat ang tingin kay Alex na tinutulak ng mga lalaki pabalik at ang iba— ang karamihan ay tumatakbo patungo sa akin.

We managed to get out of that dam grass, but they're still after us.

What do they even want from us?

Zero, Zero, Zero...

Where's that f*cking guy anyway?

Nanganganib lagi ang buhay ni Ray dahil sa kanya, ngayon pa s'ya nawala.

“Bilisan mo nga!” sigaw ko kay Lucy at hinawakan ang braso nito, pinauna ko s'ya sa akin.

Huminto sa Jordan sa paglalakad at nakarinig kami ng mga sunod-sunod na pagbaril.

“P*ta.” naiiritang bulong ko dahil sa kaliwa at kanan namin ay may mga bots, napakaraming building sa paligid, may ilang nga alley pero wala kaming madaanan dahil sa dami ng mga bots.

“Doon! Tara!” sambit ni Jordan at tinuro ang isang bukas na ospital.

Dali-dali kaming tumakbo papunta ro'n.

“P*t*ngina!” gulat na gulat na sigaw ko nang tumalon ang isang bot sa sasakyan at bumagsak sa harapan ko, hinampas ko ang baril sa kanya pero biglang may bumaril dito.

“Barilin mo, tanga!” sigaw ni Jordan sa akin at hinila ako palapit sa kanya.

Hindi ko ito sinagot, tama naman s'ya, tanga ako sa part na 'yon— but hey, sa part lang na 'yon, hindi lagi.

“Ako muna.”

Naunang pumasok si Jordan sa ospital at sinipa ang lata na nakakalat sa gitna upang gumawa ng ingay, hinarap ko ang baril ko sa mga bots na patungon sa amin at pinagmasdan ang paligid, kitang-kita ko ang nga lalaking tumatakbo palapit sa amin, nakatingin ang mga ito, alam nila kung saan kami pupunta pero wala kaming choice.

It's either makakain kami ng bots o mamamatay kami sa mga kamay nila.

“Jordan, nakatingin sila—”

“‘Wag mo kasing titigan, t*ngina nito.” natatawang sambit n'ya na akala mo nakikipaglokohan.

Mabuti na lang at maraming bots sa paligid dahil pati sila ay pinuntahan ng mga iyon.

Napatingin ako kay Lucy na natatarantang nagmamasid sa paligid.

“Hoy.” bulong ko at hinawakan ang kamay nito.

“Keri 'yan.” ayan lang ang pag-comfort na nasabi ko sa kanya.

“‘Keri yan’ amputa, papatayin at kakainin na tayo tapos ‘keri yan’.” natatawang bulong ni Jordan at tiningnan ako nito, natawa rin ako sa sinabi n'ya.

“Jordan—”

“Got it.”

Mabilis nitong binaril ang dalawang bots na nasa loob ng ospital at palapit sa amin.

“Tara.”

Pansin ko ang mahigpit na kapit ni Nia sa damit ni Jordan.

How cute.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon