Pagbukas ko ng pinto kung asan ang ibang leader ng mga Zones ay nakasalubong ko agad si Chase, saglit ako nitong tiningnan bago n'ya nilingon si Patricia sa likod ko.
"Buti na lang dumating na kayo, hindi ko alam kung paano sila pakakalmahin." Natatawang sabi ni Chase bago ibalik ang tingin sa'kin.
"Salamat, kami na ang bahala."
Tumango lang si Chase sa aming dalawa at ngumiti bago naglakad palayo, sinalubong ito ni Jasper na mukhang may ikukuwento, saktong paglakad ni Chase sa isang hall ay nakasalubong nito si Zero, diretso lang ang lakad n'ya at hindi man lang nilingon si Zero o ano.
Nang magtama ang mga mata namin ni Zero ay halos sabay lang kaming ngumiti sa isa't-isa.
Inalok na ako pumasok ni Patricia sa loob ng silid at napatayo agad ang ilang mga Zone leaders sa loob, ang isa ay tinutukan pa ako ng baril, nagtataka akong tumingin kay Patricia.
"Akala ko ba usap lang?" Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko bago ibaba ang backpack ko sa gilid ng paa ng lamesa.
"Let's get things straight, for peace, surrender him—"
"No, I won't do that, end of discussion." diretsong sambit ko.
'Surrender Zero'?
Mukha bang papayag ako sa sinabi n'ya?
"I told you, hindi n'ya gagawin 'yan—"
"Hindi talaga at hindi n'yo ako makakausap tungkol d'yan, with all due respect, Ms. Patricia— Patricia, pero kung ayan lang ang pag-uusapan natin, I'm out of here na, and if ico-convince n'yo ako na ibigay si Zero sa A-Team, ang gagawin ko lang ay tatandaan ang mga mukha n'yo at sisiguraduhin na paglabas ng office na 'to ay babarilin ko kayong lahat." tuloy-tuloy na sambit ko at wala na akong pakialam kung rude ako sa paningin nilang lahat.
Mas okay na siguro na makita nila na ganito ang ugali ko kaysa naman pakisamahan ko sila at isipin nila mahina ako, o kami sa Zone 13.
At some point, I need to come off as someone strong.
Narinig kong tumawa ang isang lalaki at tumayo pa habang pumapalakpak.
"As expected,." natatawang sambit n'ya at lumapit sa akin upang makipag-shake hands.
"Eddie," pakilala nito sa sarili.
"Zone?" tanong ko sa kanya at ngumiti ang lalaki sa akin, mukhang nasa late 30s or early 40s na s'ya.
"Zone 10."
Zone 10, leader ni Chase.
"Ilang rumors na rin ang narinig ko sa'yo, at sa kapatid mo, of course kay Zero rin, totoo rin pala."
"Totoo na?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi pala kayo mabilis patumbahin, dapat lang naman, I mean, nasa gitna tayo ng apocalypse and that kind of attitude is what everyone needs to have."
Tumingin ako kay Patricia dahil wala akong tiwala sa lalaking ito, para sa akin ang nonsense ng sinasabi n'ya, hindi ko nga alam kung gusto n'ya rin ba na ibigay ko si Zero o hindi.
"Everyone, for sure kilala n'yo na s'ya, Ray, leader ng Zone 13, and yes, member n'ya si Zero na kinukuha ng A-Team, or isang organization na wala pa tayo masyadong alam na-"
Hindi natapos ni Patricia ang sinasabi n'ya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Jasper.
"Excuse me, sorry!" sigaw nito at nagulat ako nang biglang sumilip si Ren sa likuran ni Jasper at kumaway sa akin, sa likod n'ya ay si K na may hawak na mga papel at isang camera.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Hành động"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...