So close, these bots are moving closer and closer towards us and as well as the tip of his knife, closer to my throat, closer to the end of my life.
Hindi ko alam kung kanino ko ito itatama, kung sa kanya ba o sa dalawang bots na papalapit sa amin.
Hindi ko alam kung sino ang mas nakakatakot, ang mga bots o ang lalaking ito.
Nabigla ako nang tanggalin ng lalaki ang kutsilyo sa aking leeg at agad na sinaksak sa leeg ng bot ang kutsilyong iyon na para bang sanay na sanay s'yang pumatay.
Nagtalsikan pa ang mga dugo ng bots sa aking damit at diring-diri ko itong pinunasan ng mga kamay ko.
Natumba ang bot sa harapan ng lalaki, buti alam n'ya kung saan patatamaan, hindi na ako nagtataka kung bakit punong-puno ng dugo ang damit n'ya.
Ilan na kaya ang mga napatay n'ya?
Ilang kaawa-awang buhay ang binawian n'ya?
Gagamitin ko na ang pagkakataong ito upang makalayo sa kanya.
Tumakbo ako patungo sa kuwarto kung asan ang kapatid ko ngunit biglang hinila ng lalaki ang buhok ko patalikod.
Napasigaw pa ako sa gulat.
Ang agresibo ng paghila n'ya, mas malakas ito sa lalaking nakasalamuha ko kanina kahit na mas matangkad iyon.
"Bitaw! Ano ba'ng problema mo?" sigaw ko rito ngunit hindi n'ya ako pinapansin.
Inaatake na sya ng isang bot but he's still refusing to let me go.
"Ano ba'ng gusto mo?!" Hindi pa rin ito sumasagot.
Halos naka-kaladkad na n'ya ako dahil sa mga pagkilos nito, he's aiming for the bot's neck, tinanggal nito ang kapit sa buhok ko at hinawakan ang braso ko, hindi s'ya makakilos ng maayos dahil hawak n'ya ang isa kong kamay at hindi naman ako maka-alis sa kanya.
Eto lang ang paraang naiisip ko...
Sinaksak ko ang gunting sa kanyang braso, dahil sa kaba ay hindi ko iyon nadiinan ngunit sapat naman upang bitawan ako ng lalaki.
He hissed as he stares at me.
Lalo lamang akong natakot dahil nakakatakot ang mga mata nito.
Dahil malaya na rin ang kamay n'ya sa pagkakakapit sa akin, nakakilos ito ng maayos at agad na tinulak ang bot pababa sa 1st floor.
Hindi ako makahakbang sa kaba, nakatayo lamang ako malapit sa kuwarto kung asan ang kapatid ko, mabilis kumilos ang lalaking ito, natatakot akong talikuran s'ya, just from the image of his knife and how bloody it is, alam ko na agad na hindi ito magdadalawang isip na patayin ako.
Dahan-dahan itong lumapit sa akin at tinutukan ko lamang ito ng gunting, ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.
"'Wag kang lalapit,"
Sinubukan ko itong pagbantaan pero dire-diretso parin s'ya.
"Tingin mo natatakot ako sa'yo?"
Nakarinig ako ng onting pagtawa sa dulo ng mga salita nito.
Binaba ko ang kamay ko at tinitigan s'ya.
The more I look at him, the creepier he becomes, a knife on his bloody hands, damit na puno ng dugo, probably mula sa iba't-ibang tao, ang kaliwang mata n'ya na kulay itim... hindi s'ya normal, hindi ko alam kung ano s'ya, pero hindi s'ya tao.
"Bakit ka naman matatakot sa'kin, wala nga akong laban sa'yo." sagot ko rito.
"But maybe this will scare you." dagdag ko at pinindot ang emergency alarm sa likuran ko, napahawak ako sa aking tainga ay sinamaan ako ng tingin ng lalaki na mukhang nagtataka kung bakit ko ginawa ang bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...