𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 ➢ 44

878 91 13
                                    

[ Hi! Sorry ilang days 'di naka-update, release again ako ng updates tomorrow, thanks sa pag-wait, ay I have an instagram paal @andy_ekkks ang username, nagpopost ako ng spoiler don hahahaz ayon lang enjoy reading! ]

[Warning/s: Mentions of suicide and self-harm.]


Ren's POV

“Ate's not here?” nagtatakang tanong ko kay Jasper.

“No, she's not, here, wear this.” Inabutan kami nito ng tig-iisang surgical mask, hindi naming alam tatlo nina One at Mint ang nangyayari pero kinuha na lang namin iyon.

Mag-aalasinko na, they should've been back by now, kahapon pa nga dapat eh, alam ko si Alex ay kukuha ng gamit sa ospital, si Jordan at Nia ay sa bookstore at hardware, si K at si Lucy sumama lang, si ate naman pupunta kay Patricia upang kausapin ito patungkol sa mga taong nagpupunta sa amin at hinahanap si Zero.2

And now they're telling me na wala si ate sa department, na hindi man lang s'ya nakarating dito?

“Seryoso ba 'yan?” muling tanong ko kay Jasper at tinulak kami nito palabas ng silid.

“Oo nga, doon nga kayong tatlo, baka mahawa pa kayo—”

“Mahawa saan?”

Tinuro ni Jasper ang loob ng silid upang sagutin ang tanong ni One.

Maraming mga nakahiga at umuubo sa mga higaan at ilang stretcher.

“Ano'ng meron?” nagtatakang tanong ko kay Jasper bago n'ya isara ang pinto, nasulyapan ko naman si Patricia na aligagang kinakausap ang ilang mga doktor sa loob habang ang iba ay inaasikaso ang mga pasyente.

“Mag-spray kayo ng alcohol.”

Hinagisan kami ni Jasper ng alcohol bago n'ya kaming dalawa hilahin ni One palayo habang si Mint naman ay nakasunod lang sa amin at busy itong pinagmamasdan ang paligid.

“So, wala rito si Ray? Hindi s'ya dumaan? Alam ko pupunta s'ya rito.”

Paulit-ulit na umiling si Jasper kay One.

“Hindi s'ya dumaan dito, hinihintay nga rin s'ya ni Miss Patricia kasi may gusto s'yang pag-usapan nila ni Ray kaso wala s'yang oras puntahan ito sa Zone at busy din ang mga tao rito dahil nga sa nangyayari.” paliwanag ni Jasper sa amin.

“As you can see, hindi namin alam kung bakit pero siguro epidemic ba? Hindi ko alam, umuubo ang mga tao ng dugo, namumutla sila at namumula ang mga mata...” Isa-isa kami nitong tiningnan sa mga mata.

“Ano ba, hindi kami infected.” Hinawi pa ni One ang kamay ni Jasper nang ituro nito ang mata n'ya.

Tinawanan lang s'ya ni Jasper bago nito spray-an ng alcohol ang mga kamay namin.

“Hindi naman masyado pang malala at wala pang kasong namamatay dito, as of now, tinitingnan pa ng mga doktor namin kung ano ba ang meron, hindi rin kami sigurado kung nakahahawa ba ito, ngayon lang kasi ito nangyari, ang problema lang, kulang kami sa tao, kaya nga nangangalap ng mga doctor, nurse or at least medical students or medical professions si Ms. Patricia para makatulong sa amin.”

Alex.

I'm sure tutulong 'yan kung andito lang s'ya.

“Wala ba kayong tauhang Alex na nag-volunteer tumulong? Kasama s'ya nila Ray.” Napatingin ako kay Mint nang magsalita ito.

“Alex? Wait, let me see... Sandali kukunin ko ang log para ma-check, d'yan lang kayo, 'wag na kayong pumasok sa loob, baka gusto n'yo hintayin n'yo na lang ako sa labas.” paalam ni Jasper bago ito tumalikod sa amin at naglakad palayo.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon