"Ate..."
Agad akong dumilat nang marinig ang boses ng kapatid ko.
"Ne,"
"Okay ka lang?"
Nilingon ko ang babaeng nasa harapan ko.
I thought it was 'Ate'.
"Opo," tugon sa nagmamalasakit na babae at dali-daling tumayo.
Nilingon ko ang kapaligiran, punong-puno ng mga buildings ang buong paligid, napakadilim din ng kalangitan, malakas ang hangin at bilog na bilog ang buwan.
So, this is the Cyber City...
I don't know if I should feel honored to be here, maybe it's better to be here than the Normal City, hindi ko pa rin maintindihan ang nangyari kanina.
Ganito pala ang itsura sa loob nito.
Tumingon ako sa likuran ko kung saan ako nanggaling, isang malaking pader lamang ang nakita ko, wala na rin ang pinto na aking pinasukan, hindi ko alam kung d'yan ba talaga ako nanggaling dahil wala na akong maalala pa sa nangyari nang makapasok ako, agad nang nawalan ng malay.
Napatakip ako ng ilong dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa kung saan, marumi rin ang paligid, maraming mga nililipad na dahon ng bawat puno at may mga trashcans sa gilid-gilid, papasok sa mga shortcut na daan sa gilid.
Hindi ito ang inaakala ko.
Ayon sa mga libro, advanced sila sa technology at maliwanag ang lugar na ito, maraming ilaw, na para bang isang modern City tuwing gabi, ngunit bakit para itong patay?
Mga matataas na building ang aking nakikita, walang kabahay-bahay.
Malakas ang hangin at napakadilim ng lugar, ang unfamiliar ng settings, felt eerie, hindi ito ang inakala ko.
Nakarinig ako ng sigaw ng mga tao mula sa malayo, hindi ko na hinanap kung asan ang mga ito at tumakbo na lamang palayo, hindi na ako magbabagal-bagal pa, Ren's somewhere out here, I need to find my brother, I can't lose him when I'm so close to saving him.
Tumingala ako sa nadaaanang building, may mga ilaw ang bawat silid at may mga tao sa loob, mga nakaputi na para bang mga doktor, nagtatakbuhan sila na para bang mga staff sa ospital sa tuwing may sinusugod sa emergency room, ang ilan ay may mga binabasa, ang ilan ay sama-samang may pinag-uusupan, they're all occupied, all busy.
Saglit akong huminto sa paglalakad upang pagmasdan ang mga ito, hindi sila mga doktor, more like scientists.
Mukha silang normal na tao, walang pinagkaiba sa akin, may kakaiba lamang sa mga mata nila, hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko dahil malayo ako sa kanila, ngunit mukhang magkakaiba ang kulay ng kanilang mga mata.
Bakit ba pinapansin ko pa sila?
I need to get to Ren.
Kailangan kong hanapin ang kapatid ko.
Saan ba ako magsisimula?
Napakalaki ng lugar na ito.
Nagpunta ako rito na walang plano, hindi ako nakapag-isip ng kung ano, hindi ko nga naisip ang gagawin once na makita na ang kapatid ko, babalik ba ako sa kulungan o magtatago nalang ba buong buhay ko?
Madadagdagan ang taon ko sa kulungan, baka nga gawin pa nilang lifetime 'to.
Ayaw ko namang mabuhay sa takot, aanhin ko ang mundo kung wala naman akong kalayaan bilang tao? Bahala na.
Naglakad ako papasok sa isang makipot na daanan sa gilid ng isang mataas na building.
Agad akong huminto nang makarinig ng mga pag-iyak, iyak ng babae.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...