𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗩 ➢ 22

893 101 59
                                    

"B—Bakit kamukhang-kamukha mo ang kasama namin?" lubos na pagtatakang tanong ko sa lalaki. Gusto ko man itong lapitan pero nagdadalawang isip ako dahil hindi naman s'ya kakampi.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko.

They... have the same face.

Napaatras ako nang mabilis na naglakad ang lalaki palapit sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't tinutukan ko lamang ito ng baril.

Bakit lagi na lang hindi ko alam ang gagawin?

Pakiramdam ko lagi na lang akong kinakabahan, laging mahina...

Sino ba ang hindi kakabahan kung laging nasa bingit ng kamatayan nag buhay n'ya?

It's obvious that he won't let me live so ayos lang naman kahit lumaban ako o kahit makapatay pa ako.

Right, justify your crime, Ray.

The world's doomed anyway, laws no longer exist...

Hinigpitan ko ang hawak sa baril.

I did not hesitate to pull the trigger pero wala na itong bala.

P*t*ngina!

"P*ta," naiiritang bulong ko sa aking sarili.He was getting closer and closer.

The closer he gets, the more he looks like Zero.

Nakakatakot ang mga tingin nito, kagaya lang din ni Zero nang una kami nitong magkita.

Paatras na sana ako nang bigla akong hilahin ng lalaki sa k'welyo at malakas na hinagis sa mga tumpok na mga upuan sa gilid.

Bumagsak agad ako sa sahig at nang makita kong pabagsak sa akin ang mga sirang upuan ay nagmamadali akong gumapang palayo kahit na ang sakit ng katawan ko dahil sa paghagis n'ya.

Napansin kong tumatakbo ang lalaki palapit sa akin kaya't kumuha ako ng isang kahoy sa gilid ko at agad na tumayo upang ihanda ang sarili ko.

Pakiramdam ko matutumba ako pero kailangan kong kumilos at lumaban.

Nakakadama ako ng mga ilang patak ng ulan at nakarinig ng mga kulog.

Sa bawat paglakas ng mga patak ng ambon ay papalapit naman nang papalapit ang lalaki sa akin.

Hindi na ako naghintay pang makalapit s'ya.

Hawak nito ang sniper gun n'ya na para bang ihahampas n'ya sa akin.

Tinaas nito ang kamay n'ya kasama ng baril.

Kumuha ako ng isang kaputol na kahoy at hinampas ko ang hawak nitong baril upang hindi n'ya ako matamaan.

Expected kong mabibitawan nito ang kanyang baril pero hindi, lalo pa ngang humigpit ang kapit n'ya doon at mabilis itong hinampas sa aking mukha.

Napaatras ako sa ginawa n'ya, damang-dama ko ang hapdi at kirot, humawak ako sa pisngi ko at naramdamang may dugong tumutulo sa ilong ko.

Napansin kong mukhang mahinahon at panatag ang lalaki sa kanyang ginawa, nakakapit pa rin ito sa baril n'ya na ang p'westo ay nasa bandang mukha n'ya so I took this chance to hit him.

Hinigpitan ko ang hawak kong kahoy at mabilis na hinampas ito sa baril n'ya upang matamaan mismo ng kanyang baril ang sarili n'yang mukha.

Just like what he did to me.

Napaatras ang lalaki sa aking ginawa at sa bawat paglakas ng kulog at patak ng ulan ay palakas rin nang palakas ang pagpalo ko sa baril n'ya habang paatras sya nang paatras, wala na akong pakialam kahit basang-basa na ako rito.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon