𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗭 ➢ 26

1K 96 36
                                    

Shit, we're doomed.

"Hands in the air." utos sa amin nitong babaeng asul ang buhok, she was the same woman that killed the woman from the Arena.

Tumingin-tingin ako sa paligid, ano'ng laban namin sa kanila?

Marami sila, may nasa harap at likod, wala talaga kaming takas.

Sigurado akong may mga nag-aabang pa sa amin.

They're blocking the doors.

Lahat sila ay tinututukan kami ng mga baril.

"I said hands up!" sigaw sa amin ito at dahil nabigla kami ay tinaas na lang namin ang aming kamay. 

"Don't move."

"'Wag kang gumalaw." 

Sino ba ang kinakausap ng babaeng ito?

Nakatingin s'ya sa gilid ko kaya't napalingon na rin ako.

Nakatingin ito sa kasama naming lalaki, masama ang tingin nito sa Cyber-Human na 'yon, diretso ang mga titig at walang pinapakitang takot.

I flinched the moment they fired a single bullet beside him, napasigaw pa nga si Nia sa gulat at napaatras ang isa naming kasamang babae, but the guy didn't even flinched, nakatitig pa rin ito.

There's something in him, I can tell that he's just like me, a human, hindi naman ito kagaya nila Ren at Zero pero mukhang hindi s'ya natatakot.

"Kunin n'yo nga 'yan." 

Mabilis na kumilos ang mga nakaputing lalaki na malapit sa amin at hinila ang lalaki palapit sa babaeng may asul na buhok na medyo may edad na.

"Ano'ng pangalan mo?" interesadong tanong ng babae sa kanya pero hindi sumagot ang lalaki, hindi ba s'ya natatakot?

“Hoy.” pagtawag ng kasama naming babae sa kanya.

“Sumagot ka na lang.” mahina pang sambig nito na halatang kinakabahan sa sitwasyon ng kasama namin ngayon.

"I won't ask twice—"

"Then don't." hindi pinatos ng lalaki ang sinasabi ng Cyber-human.

"T*ngina." natatawa at namamanghang sambit ng isang kasama naming babae.

Kung hindi ako nagkakamali, s'ya si Jordan, narinig ko kasing nag-uusap sila ni Nia kani-kanina.

Sinabi ni Nia ang mga pangalan namin sa kanya at tinawag s'yang Jordan.

"Shh..." biglang sabat ni Ren upang patahimikin si Jordan.

"And you, Ren." nabalin ang atensyon ko sa babae.

So, it was true after all, kasama nga talaga nila si Ren noon.

"I guess, this is your sister that you always talked about, hmm?" 

Tumingin sa akin ang babae, nakangiti ito pero hindi rin nagtagal ay sinimangutan rin ako nito.

"This f*ckng btch!" 

Tinaas nito ang kanyang kanang kamay at mabilis ako nitong sinampal, napakabigat ng kamay nito na para bang hinampas ang mukha ko ng kahoy.

Napaatras ako at napahawak sa labi kong nadadama ko na dumudugo na agad.

Lumapit pa ang babae sa akin para lang hablutin ang damit ko at ibalibag sa pader.

Hindi ko na napigilan pa ang katawan ko at bumagsak ako, pagod na pagod na 'ko.

Hindi pa ako nakakapagpahinga, ayoko ring lumaban, wala na rin namang point, hawak na n'ya kami, fighting won't help.

"Ate!" narinig kong sigaw sa akin ng kapatid ko at pilit lumalapit sa akin pero pinipigilan ng ilang tauhan ng babae.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon