𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗕𝗗➢ 34

937 88 129
                                    

“F*ck!” naiiritang sigaw ko at hinampas ang  stuff toy na nasa harapan ko habang nasa gilid ko si One at nagmamaneho.

Yumuko ako ngunit hindi pa rin ako mapakali.

Tumingin ako sa salamin at nakita si Mint na nakapikit sa backseat, nasa tabi nito si Jordan.

Nilipat ko ang atensyon ko sa bintana at pinagmasdan ang malakas na ulan, kahit nakasara ang bintana, nararamdaman ko ang lamig.

Hindi gaanong nakikita ang surroundings sa labas dahil sa hamog na nasa bintana, pero may mapa naman kami ni One at may mga arc at ilang palatandaan kung asan na kami.

Kaming apat lang ang nagpunta, si Ren at si Zero ay hindi ko makita.

Hindi ko man makita si Ren pero ang sabi ni Nia, nasa kabilang bahay daw ito, habang si Zero ay wala nang nakakita sa kanya pagtapos naming mag-away dalawa.

“Bakit hindi sumama si Zero?” nagtatakang tanong ni One at nanatili ang mga mata ko na nakatingin sa bintana, nakita ko sa repleksyon ko na naluluha ako.

Naiinis ako sa sarili ko.

Dahil alam ko na may nararamdaman na rin ako kay Zero and yet, kung ano-ano ang mga sinabi ko sa kanya.

He admitted that he was insecure, insecure over Alex?

‘Bakit ba hindi na lang ako?’

F*ck.

I messed up big time.

Why did I even ask him if he thinks I prefer his presence over anyone?

What the f*ck am I even thinking?

Bakit ba tinanong ko 'yon kay Zero?

Bakit ba ang lala ng mga sinasabi ko 'pag nagagalit ako.

He knows I won't choose him, but he hoped for a second that I would.

Why did I even make him feel like I won't choose him?

‘We're just strangers in the middle of the apocalypse?’

How could he say that?

How could I make HIM say that?

Why would I even make him feel that way?

Are we just strangers when we keep saving each other's lives over and over again?

Are we really strangers when we don't have to stay besides one another but we did not separate?

Is it casual?

Was everything casual?

Could we even call each other ‘strangers’ when we just met in a short span of time but made lots of memories we knew we would never forget?

Strangers...

“Ray.”

“Hmm?”

Nilingon ko si One na nagtataka akong tiningnan.

“Sabi ko bakit hindi sumama si Zero?”

“Hindi ko alam, hindi ko naman s'ya nakita pag-alis natin.” sagot ko kay One, binigyan ko ito ng side eye upang tingnan kung naniniwala kaya s'ya sa sinabi ko pero hindi ko mawari ang expressions n'ya.

Pagod na 'ko, hindi na ako nakapagpahinga nang maayos.

Hindi pa matahimik ang isip ko dahil hindi pa kami nagkakaayos ng kapatid ko at lalong lumala ang alitan namin ni Zero.

Seryoso ba s'ya?

Gusto n'ya ako?

After ng away namin kanina.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon