𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗕𝗘➢ 35

1K 98 74
                                    

“My parents don't like you.”

“As if I like them.”

Hindi man lang na-offend si Kyla sa sinabi ko at tinawanan lang ito.

“Ba't daw ayaw nila sa'kin?” tanong ko as I pulled another set of cigarettes.

Tiningnan ako ni Jordan na parang nagtataka kung bakit pa ako nagtatanong.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko.

“Why? It's just a cigarette, Kyla. It's not like masama akong tao—”

She laughs again.

“Wala eh, judgemental parents ko.”

“Edi sorry, heto lang ako.” pagbibiro ko sa kanya.

Napatingin kami sa field nang magsigawan ang mga nanonood ng volleyball practice doon.

Nasa rooftop kaming dalawa ni Kyla, nakaupo sa dulo at pinapanood ang mga tao sa field ng eskuwelahan namin.

Nakasalamin pa ito at kumakain ng lollipop habang ako ay nagsisigarilyo.

“Ayaw kong mag-math—”

“Tara, cutting tayo.” alok ko sa kanya at nginitian ito.

“Bad influence, kaya ayaw sa'yo ng mga magulang ko eh.”

Tinawanan ko ito.

Tumayo si Kyla at inayos ang uniporme n'ya, ibang-iba kami noong highschool.

Plantsadong-plantsado ang uniporme nito, kumpleto ang school supplies at kasali sa mga academics organization habang ako ay kusot ang uniporme, ang mga laman ng gamit ko ay usually gamit n'ya rin dahil lagi n'ya akong pinapahiram.

Naalala ko noon, nilibre n'ya ako ng dress sa usang date namin ni Alex, she put a lot of effort, pinahiram pa ako ng mamahaling phone n'ya so Alex and I could take good pictures, pinahiram n'ya pa ako ng pera, sabi n'ya pa mag-insist daw ako sa una na ako ang magbayad ng bill ng kinain namin, pero once na sinabi ni Alex na s'ya na raw ang magbabayad, mag-insist pa rin daw ako, magpapilit daw kay Alex, para ma-turn on si Alex, na I'm someone ‘who could buy anything for myself’.

That's what she told me.

Kyla was always there.

Highschool.

College.

S'ya nga ang nag-aalaga kay Ren tuwing may sakit ito tapos kailangan ko pa rin magtrabaho.

S'ya ang nagbabayad ng hospital bills ni mama noon, o tuwing naoospital si Ren sa taas ng lagnat n'ya.

Ilang beses n'ya ring binayaran ang tuition fee ko noong College, of course I already paid everything.

Kyla was there when I was at my lowest.

That's why at some point, I couldn't bring myself to fully hate her.

And until now, katanungan pa rin talaga sa akin kung bakit n'ya nagawa iyon.

Kung bakit s'ya nagpakasal kay Alex nang biglaan.

I know that her parents arranged her with Alex, the two declined, they were just friends, that's what they told me, that's what I believe in.

“What the?!”

Naalimpungatan ako sa sigaw ng isang babae, and I'm sure that's K.

Tumingin ako sa paligid ko at nakitang nakahiga ako sa ibabaw ng isang malambot na kama, malambot na unan at makapal na kumot, kahit makapal na ang kumot ko ay nararamdaman ko pa rin ang lamig, hinahangin-hangin ang kurtina sa bintana at mukhang nasa second floor ako.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon