"Frea, ano ba!" Hinila ni Lisa si Frea palayo sa kanyang kaibigan.
"H-Hindi ko napansin na nakagat ako." mahinang sambit ni Carl.
Pinagmasdan ko ito, oh f*ck, he's twitching already.
Papikit-pikit din ito na tila nahihirapan kaming makita.
Nakakaawa s'yang tingnan...
"M—Mamamatay na ba 'ko?" maluha-luha nitong tinitigan ang mga kaibigan n'ya habang hindi makatingin ang iba sa kanya, si Frea ay tuluyan nang umiiyak, si Shawn at Ian naman ay nakatitig lang sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga bots na naroroon.
Paulit-ulit na umiling si Carl na para bang hindi n'ya tinatanggap ang kalagayan n'ya ngayon.
Hindi naman katanggap-tanggap 'to.
"Malabo kayo sa paningin ko, b-bakit?" nagtatakang tanong nito sa amin at akmang lalapit sa mga kaibigan n'ya ngunit umatras ang iba na halatang natatakot kay Carl ngunit awang-awa sa kanya.
"Ayoko, ayoko, marami pa 'kong pangarap. Malapit na kong matapos sa pag-aaral, graduating na 'ko eh, h-hindi 'to p'wede..." Hindi na napigilan ni Carl ang sarili at umiiyak na ito, dahilan kung bakit sunod-sunod nang umiyak ang kanyang mga kaibigan.
Walang nagsasalita sa kanila dahil alam na nila ang patutunguhan ni Carl.
"He needs to leave," bulong sa akin ng lalaki.
Dahan-dahan nitong binuksan ng kaunti ang pinto.
"A—Ano'ng ginagawa mo?" natatarantang tanong ni Carl at pilit pinupunasasn ang mga luha n'yang kulay pula na.
Nakakaawa s'ya, ang mga mata n'ya ay kulay itim na nababalot na ng mga dugong lumabas doon kanina, ang boses n'ya ay nagiging paos na rin.
"Carl," pagtawag ni Shawn sa kaibigan n'ya habang ito ay nakaupo sa dulo ng bus at nakatitig sa labas, nilingon naman ito ni Carl.
"Magkita ulit tayo, ha? H—Hihintayin kita." Lalo lamang naiyak si Carl sa sinabi ni Shawn.
Naramdaman kong mahigpit na hinawakan ni Ren ang kamay ko, napatingin ako sa kapatid kong nagpipigil ng iyak, tinapik-tapik ko ang kanyang likod at sinandal ang ulo ko sa kanyang balikat.
He met Carl today only to lose him on the same day.
Pansin kong lingon nang lingon si Carl, hindi ito mapakali at paulit-ulit pang kinakagat ang kanyang mga kuko, huminto lamang ito upang tumango kay Sahwn.
"Ako, ako ang maghihintay sa inyo, tagalan n'yo, ha?" Napalunok ako sa sinabi nito.
'Tagalan n'yo,'
Dumudugo na ang mga kuko nito dahil sa pagkagat-kagat n'ya, halos nangangalahati na ang mga kuko nito sa daliri.
Is this a sign that he's starting to eat himself already?
Nakakadiring tingnan pero nangingibabaw ang awa namin sa kanya.
"Hindi pa ba natin s'ya papaalisin? It'll be worse kapag nakakagat pa s'ya." Napalingon ako sa lalaki nang bumulong na naman ito sa akin.
Lalaking 'to, wala man lang isang pirasong sympathy.
"B-Bubuksan ko ang gate, u-umalis na kayo..."
Kahit halata na nahihirapan nang maglakad si Carl ay mabilis itong lumapit papunta sa pintuan ng school bus.
"C—Carl," sambit ni Hana na hinawakan ang kamay nito.
Nginitian ito ni Carl at nilayo ang kamay kay Hana, natatakot na baka hindi n'ya mapigilan ang sarili n'ya at makagat n'ya ang kanyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...