Gamit ang isang kamay n'ya ay walang hirap ako nitong hinila pataas hanggang sa makaapak na ako sa sahig.
Isang tanong lamang ang nasabi ko.
"Bakit mo 'ko tinulungan?"
Inikot ko pa ang paningin sa paligid at nakita na nakahandusay na ang isang lalaki kanina at ang babae, parehas na duguan ang dalawa, nakakadiri pa nga ang uri ng pagkamatay ng babae dahil halos hindi na makita ang kanyang itsura, balot na balot ng sarili n'yang dugo.
Itong lalaki ba ang may gawa n'yan?
Grabe, ang brutal n'ya, I don't want to get on his bad side.
"I was going to ask the same thing." Tinaas nito ang hawak n'yang tablet.
Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin sa kanya.
Lumingon ako sa paligid at nakitang may mga bot na tumatakbo palapit sa amin.
Right, asan na nga ba ang kapatid ko?
"Tara na," alok ng lalaki at naglakad palayo, kinuha ko ang kahoy sa gilid at sinundan ito kung saan napansin ko ang madugong kamao n'ya, hindi ko na lang gaanong binigyan ng pansin.
Kailangan muna naming makaligtas ngayon.
Tama, kung magaling s'yang makipaglaban baka pwede ko pa s'yang mapakinabangan hanggang sa magkita ulit kami ni Ren, and after that...
Napatingin ako sa hawak kong kahoy at sa batok n'ya, if I'll hit him, I'll make sure to hit him hard, pero mamaya na 'yan, he seems useful.
Tumakbo kami kung saan nagpunta ang kapatid ko, nagmamadali ang lalaking bumaba sa hagdan kaya namamadali rin akong tumakbo paatras kahit hindi ko alam ang nangyayari.
"Balik!" sigaw nito at huminto sa aking harapan dahil nakaharang ako sa harapan n'ya.
"Ano?"
"Maraming bots sa baba,"
Shit, marami nga, ang ilang pang bot ay umaakyat mismo sa riles upang mabilis na makapunta sa amin.
Creepy...
Nakita ko rin ang babaeng gumising sa akin kanina pagdating ko sa Cyber City, bot na rin ito, duguan at parehas na kulay pula ang magkabilang mata.
"Ano ba'ng tinutunganga mo d'yan?" rinig kong sigaw ng lalaki sa akin.
Kulay pula ang mata nito, iba iba ang kulay ng mga mata nila.
"Sandali, dito dumaan ang kapatid ko,"
Paano ako dadaan d'yan kung puro bot ang nasa daanan ko at isang kahoy lamang ang dala ko?
Napatingin ako sa kasama kong lalaki, maaasahan ko ba 'to?
Safe nga ako laban sa mga bots, hindi naman ako safe laban sa kanya.
"Nakalabas s'ya, bukas ang pinto sa baba." sambit sa akin ng lalaki at may tinuro sa baba.
Mabilis kong sinilip ang pinto at bukas nga ito.
God, what a relief.
"Tara," sambit ko naman sa kanya.
Nauna akong tumakbo sa kanya pabalik at pagbukas ko ng pinto ay sinalubong agad kami ng ilang bots, dali-dali akong umatras habang ang lalaki ay lumapit pa sa mga bots na iyon at walang awang pinag-uuntog sa pader angg kanilang ulo, kinayod n'ya pa ang mga 'yon upang mapalapit sa naka-usling bakal, nakakadiring panoorin.
Hawak ang isang kutsilyo ay pinatay n'ya ang ilan.
Good thing na sumama ako sa kanya, at least safe ako.
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...