“Chase!” sigaw ni Jasper at kinawayan ang lalaki na nagligtas sa akin.
“Thank you.” pasasalamat ko at tumakbo na palayo sa kanya upang sundan si Jasper.
“Galing n'ya ha.” puri ko at tumango sa akin si Jasper habang naglalakad at nakasunod lang ako sa kanya.
“Ace 'yan ng Zone 10.” proud pa na sambit nito bago ituro sina Ren at Jordan na tinutulungan ang iba na patayin ang mga bots.
Baril ang gamit ni Jordan at si Ren naman ay kutsilyo lang.
Lumalapit talaga s'ya sa mga bots at sinasaksak ang mga ito sa leeg, pinagtataka ko tuloy kung makakagat ba ang kapatid ko, magiging bot din kaya ito?
Pinagmasdan ko si Ren na walang kahirap-hirap na labanan ang mga bots, kahit ang ibang tao ay napapatingin na sa kanya, he's taking them all out.
I didn't know he was this brutal.
Slashing the bots arms, not even hesitating to point his knife towards the bots that were children.
Seriously, Ren, how many parts of you have I not seen yet?
Kapatid mo 'ko pero bakit parang kahit ako hindi ka kilala.
Pinagmasdan ko ang paligid.
All these people, that Patricia, maaasahan ko ba s'ya?
Do I really need that Zone 13?
Bakit ba agad akong pumayag sa sinabi n'ya?
All of these people were armed, I was indecisive.
Pumayag agad ako sa plano n'ya without even thinking straight, I was exhausted earlier.
Yes, she was kind, Patricia was kind but for how long is she going to be kind?
This Jasper, hindi ko nga s'ya kilala.
We barely know him.
I want to back out, it's a sudden decision pero ayoko nang ituloy pa, pero kung gagawin ko 'yon, saan kami pupunta?
“May mga bots ba sa Zone 13, Jasper?”
Tumingin ito sa akin at tumango.
Parte s'ya ng Zone 13, kung may bots doon, does that mean na bots iyon na mga kilala n'ya noong tao pa?
“Onti na lang siguro 'yon, better na i-check n'yo house to house, skilled naman mga kasamahan mo kaya kayang-kaya n'yong patumbahin ang mga natira don.” sagot nito sa akin at tinapik ko ang balikat n'ya bilang pasasalamat, sakto kasing nakita ko nang naglalakad palapit sa akin si Ren.
“Wait lang.” Pinagmasdan ko si Jasper na natutuwa at tumatakbo palapit doon sa lalaki na blonde, doon sa Chase ang pangalan, kahit ang Chase na 'yon ay masaya rin na makita s'ya.
“Bakit may dugo ang braso mo?” nagtatakang tanong ng kapatid ko at tumingin ako saglit sa paligid upang tingnan kung may malapit sa amin.
“Zero—”
“Kinagat ka?”
“Hindi, hindi, wala 'to.” mabilis na depensa ko.
“Hindi ko alam kung ano'ng meron, tantrum ba 'yon? Basta, bigla na lang s'yang nawala sa sarili, nagpipigil lang s'ya—”
“Nakagat ka?!” pasigaw na tanong nito at pinipilit tingnan ang braso ko.
“P*t*ngina, hindi nga!” naiinis na sigaw ko sa kanya.
“Eh, ano 'yan?!”
“Binigyan ko lang s'yang dugo para pakalmahin s'ya—”
“Tingin mo enough 'yon?”
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Acción"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...