𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 ➢ 47

880 95 15
                                    

[A/N: Hi, updates here, I only managed to write four chapters, huhu, I hate school, it's a sagabal sa pangarap ko, charot lang, thank you for waiting, enjoy reading.]


“Excuse me po.”

Napatingin kaming dalawa ni Zero sa pintuan at nakita si Ren na nakatayo roon.

“P‘wede ko bang mahiram ang kapatid ko?”

Natawa si Zero sa tanong ni Ren at binitawan ako nito.

He gave me a small pat before walking towards the door.

Kitang-kita ko ang titigan nila ni Ren, si Zero na nakangiti sa kapatid ko at si Ren naman na nginingitian ito nang nakakaloko, paglabas na paglabas ni Zero ay sinara ni Ren ang pinto at tinaasan ako ng kilay bago nagpamaywang.

“Ano 'yon? Hmm?” interesadong tanong nito sa akin at naglakad pa palapit.

“Ang ano? It's just two people hugging each other—”

“Yes, but it's Ray and Zero hugging each other.” Ren trails off.

“May pa-headpat pa—”

“Edi manghingi ka rin ng headpat sa kanya.” naiinis na sambit ko sa kapatid ko.

“‘Wag ka nang mang-asar—” dagdag ko pa at kinuha ang unan upang ibato 'yon sa kanya pero hinawakan nito ang braso ko at lalong lumapit upang tingnan nang maigi ang mga galos ko roon.

Nakabandage na ang mga sugat ko kaya hindi n'ya na nakikita pero siguro ay vinivisualize n'ya kaya mukhang nandidiri s'ya ngayon lalo na sa daliri ko na tinanggalan ni Shawn ng kuko.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Ren, agad ko namang binalik ang yakap ng kapatid ko.

I feel like something's wrong with his hug, with him.

Hinigpitan ko pa lalo ang yakap kay Ren, I missed hugging him.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ko kasama ang kapatid ko, all I just want to do is to make sure he's sound and safe.

“Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kanya, hindi kasi ito nagsasalita at nakayakap lang sa akin.

Bumitaw ito at binigyan lang din ako ng headpat.

“Wala lang, bawal bang yakapin ang ate ko?”

Natawa ako sa sinabi n'ya.

“I see, okay na kayo ni Zero?”

Naupo ito sa kama ko at tumango naman ako sa kanya bago ako maglakad papuntang bintana upang silipin ang labas.

“Like okay na? As in, in good terms na kayo at 'yon lang 'yon or...” Huminto ito sa pagsasalita at nginitian ako.

Ayan na naman ang nakakalokong ngiti n'ya.

Binato ko sa mukha n'ya ang unan.

“You mean like...” natutuwa ring sambit ko at lumapit kay Ren.

“In a relationship?” sabay naming tanong sa isa't-isa at kinikilig ako nitong paulit-ulit na hinampas sa balikat.

“Cute, cute, cute, cute.” tuwang-tuwang sambit n'ya at natatawa ko itong tiningnan.

OA ng reaction eh, kala mo sila ni Zero may relasyon.

“Grabe noh? Kayo rin pala mag-eend up together, parang dati nagpapatayan lang kayo ah.”

“Shut up.”

‘Wag n'ya nang ipaalala 'yon, pero tama nga s'ya, looking back, nagpapatayan lang talaga kami ni Zero noon and now.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon