𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗠 ➢ 13

1.3K 117 57
                                    

"I feel bad for them, sana iniwan nalang natin sila sa university, kung hindi natin sila sinama, baka buhay pa ang mga ito ngayon."

The night was dark, but our thoughts were even darker than the skies above.

"Hindi naman natin alam na ganito ang mangyayari, hindi natin to kasalanan, sumama sila sa atin, sinama natin sila para matulungan sila, no one liked what happened." sagot ko sa kapatid ko at niyakap ang braso nito bago isandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

God, I miss Ren so much.

Napaisip ako sa kanyang sinabi.

I didn't know I would get attached to those students easily.

"Maybe if I held the door shut, edi sana—"

"Sabi mo hindi n'yo kasalanan then you continue to blame yourself." pagsabat ni Zero sa aking sinasabi at tinitigan ko ito.

Ngayon lamang s'ya nagsalita ulit, he's been quiet since we left the mall.

"Your point is?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"My point is to comfort yourself before others, you can't just tell your brother it's not his fault then take all the blame like you were the one at fault."

The fact that he lost his memories but still remembers to speak English fluently amazes me.

Napaisip ako sa kanyang sinabi.

Comfort myself?

That's unnecessary now.

I don't know how.

"Nakita namin ang nangyari, she pushed you, so you lost your grip on the door, you're right, it wasn't anyone's fault." sambit ni Ren at patuloy na nagmamaneho sa madilim na daanan kung saan kami lamang ang dumaraan.

Wait lang, saan kami papunta?

"So, where are we heading?" nagtatakang tanong ko sa kapatid ko habang lumilingon-lingon ako sa paligid.

It looks like a dead road.

Hindi ako pamilyar sa daanan na ito, puro puno ang nasa gilid ng kalye, sinasalubong kami ng malamig na simoy ng hangin.

"Cyber City, of course," sagot sa akin ng kapatid ko.

"Paano mo nalaman kung saan ang daanan?" nagtataka namang tanong ko sa kanya.

Maybe this is the perfect time to ask my brother about his connections with Cyber City.

"The tablet," Tinuro ng isang kamay nito ang tablet na nakatayo sa harapan n'ya, it was there all along at hindi ko man lang napansin.

"Mapa 'yang tablet, it shows the way in different roads and in different places kahit saan, so I searched Cyber City and ito, sinusundan ko and andiyan para makarating tayo roon." Ren added.

"Malapit na ba?" curious na tanong ni Zero kay Ren.

"Not yet," sagot ni Ren at sinulyapan si Zero sabay tawa habang pinapatong ang siko sa nakabukas na bintana.

"What's with the shades?"

Napatingin ako kay Zero at nakitang suot n'ya pa rin ang shades hanggang ngayon.

Nagtitigan kaming dalawa ni Ren at sabay na tumawa.

"Feeling action star 'to, wala namang araw." natatawa pang dagdag ng kapatid ko, tinulak ko naman ito upang patigilin s'ya sa pagtawa dahil baka ma-offend ang kasama namin.

I watched Zero as he took the glasses off, natutuyo na ang mga dugo nito sa mata.

"Bakit ganiyan? Nakagat ba s'ya?" nagtatakang tanong ni Ren.

GLITCH: Divided CitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon