"Kung hindi kayo titigil, bubuksan ko ang pinto para lahat tayo mamamatay dito!" sigaw ng babae na wolfcut ang buhok at tiningnan pa 'ko habang hawak nito ang doorknob at akmang iiikot na para pasukin na kami ng mga bots dito.
"Lisa, ano ba'ng ginagawa mo?!"
"Tumigil na kasi kayo! Mukha namang hindi sila nakagat, we wouldn't be here right now kung hindi sa tulong nila, so please tumanaw naman kayo ng kahit slight lang na utang na loob at Hana, tumigil ka na, kanina ka pa, sasampalin na kita."
Nagkatinginan kami ng babaeng nakasagutan ko at tumango ito sa akin.
Somehow, we calmed things down, hindi na lamang kami nagpansinan o nag-usap.
—
"Aray,"
"Sorry, Miss..."
Humigpit ang hawak ko sa lamesa nang maramdaman ang huling patak ng alcohol sa sugat ko sa tagiliran.
Ginagamot ako ng babaeng Lisa ang pangalan, the one who said she'll open the door if we won't stop arguing, she seems nice, well she is nice and pretty as well, and cool— and she looks like my girl crush way back in high school.
The guys seem pretty nice too.
It looks like my brother's also a part of them.
Nakaupo sila sa sahig at nagku-kuwentuhan, laughing about random things and some shits, I'm glad Ren's comfortable with them.
"Paano sila nakakatawa sa ganitong sitwasyon?" tanong ni Lisa habang maingat na binabalot ng bandage ang tagiliran ko.
"Well..." May biglang sumulpot na isang babae sa gilid namin. "Happiness can be found in the darkest of times, if only remembers to turn on the lights, credits kay Dumbledore." she added.
Oh, we have a Potterhead here, huh?
"I don't think that's the exact thing he said," asar ni Lisa sa kanya.
"At least it's near," the other one replied, s'ya ang nakasagutan ni Hana kanina sa pintuan, if I'm not mistaken ay Fria ang pangalan nito, naka-trintas ang mahabang buhok nito na nakahati sa dalawa.
"Gamutin ko rin ba ang sugat ng kasama n'yo?" tanong ni Lisa sa akin.
Binaba ko ang damit ko at nginitian ito.
It still hurts but I feel better now, may pinainom s'ya sa aking painkiller.
"Wala namang sugat ang kapatid ko," sagot ko sa kanya at pinagmasdan si Ren na nakikipag-chikahan sa mga binata at may action pa ito kung mag-kuwento.
Napansin kong nakatingin sa akin ang isa sa mga lalaki, ang nagtanggol sa amin ni Ren kanina, umiba na lamang ako ng tingin dahil naiilang ako.
"No, I mean... him," Tinuro ni Lisa ang lalaking kasama namin. "Iyong mata n'ya—"
"Normal 'yang mata n'ya, hindi 'yan sugat, he's fine, just let him be"" Nakatitig pa rin si Lisa sa lalaki, halata ang pagtataka sa facial expression n'ya.
"Thank you, nursing student ka ba? Ang ayos ng pagkakagawa mo, looks like you're in the field of medicine." Sinubukang kong ibahin ang topic and gladly it worked.
"No, Ate ko ang nursing student, criminology ang course ko, hindi lang halata kasi matatakutin ako." Dinampot nito ang mga bulak at alcohol na ginamit at tinulungan ko naman s'ya sa pagliligpit.
"I'm not sure but according to my observation, you stabbed yourself, right?"
Napatitig ako sa kanya.
"The knife was pointed towards you but the impact shows like no one stabbed you other than yourself."
BINABASA MO ANG
GLITCH: Divided Cities
Acción"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...