[N] Cheater.

1.3K 24 0
                                    

------

Vannie's POV

Nakahiga lang ako sa sofa habang hawak ang family picture namin noon. Nakaupo si Gian at ako habang nakakandong naman sa amin si Gino at Luke. Napahaplos ako sa picture.

I miss my kids, even Gian. I miss the old him.

I released a deep sigh.

*ding dong*

Napatingin ako sa pintuan. Sino naman kaya ang nandun?

Bubuksan na sana ng maid ang pinto pero pinigilan ko siya. "Sige na, ako na." Tumayo ako tsaka dumiretso sa pinto. Sumilip ako sa peep hole at nakita ko si Cloud.

Si Cloud?

Binuksan ko ang pintuan. "Cloud. Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?" Ngumiti lang siya.

"Hindi mo man lang ba papapasukin ang napakagwapo mong bisita ha?" Umatras ako para bigyan ng daan papasok si Cloud. Dumiretso kami sa living room.

"Oh, paano ka nga napadpad dito?"

"Namimiss na kasi kita eh. Kamusta dito? Hindi ka ba sinaktan ng magaling mong asawa ha? Nasan siya?" Mabuti nalang nakatago ang mga pasa ko. Ayokong makita ng kahit sino ang nangyayari dito.

"Ang dami mo namang tanong."

"Ang dami kong tanong pero niisa wala ka ngang sinagot eh. I know something's wrong in this house. Magsabi ka sakin Ivannah."

"Walang mali dito, Cloud. I am happy with my husband." Cloud stared at me deeply atsaka hinawakan ang kamay ko.

"I know it when you're lying, Ivannah. Hwag lang talagang magpahuli sa akin yang magaling mong asawa na sinasaktan ka niya dahil hindi ako magdadalawang isip na kunin ka. I am a much better partner than him." Hindi ko masisisi si Cloud kung bakit siya ganito kaover protective sa akin. He's like a brother to me at alam niya lahat ng kadramahang nangyari sa buhay ko.

Pero kailangan ko ring maging matapang para sa pamilya ko. I don't want to lose the only person left for me, I don't want to lose my husband.

-------

Author's POV

"Christa, tell me the schedules of meetings. I need to fix my sched." Nakarating na ng Thailand si Gian kasama ang ibang employees na kailangan sa business meeting at kasama nga dun si Christa.

"Yes Gian. I'll be giving it to you tomorrow. First thing in the morning."

"Okay." Habang nasa kotse sila ay napatingin sa labas si Gian. Nakita niya ang isang park pero ang nakapukaw ng pansin niya ay ang isang masayang pamilyang naglalaro doon. Naikunot ni Gian ang noo niya at napahigpit ang hawak niya sa phone niya.

Gino..

Luke..

Tatay miss you so much..

Hindi niya maiwasang mainggit sa mga kumpletong pamilyang nakikita niya. Iniisip niya kung bakit ipinagkait na sakanya iyon. Iniisip niya na bakit sakanila pa nangyari yun. Hindi lang isang beses, kundi dalawa.

"Gian. May jetlag ka ba?" Umiling si Gian sa tanong sakanya ni Christa. Hinawakan ni Christa ang kamay ni Gian. Napalingon lang naman siya.

"What are you doing?"

"I just want you to know na kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, I'm here for you. I will never leave your side, Gian."

"Hindi mo na kailangan sabihin sa akin yan." Sabi ni Gian tsaka binawi ang kamay niya mula kay Christa. Napairap naman si Christa.

Bakit ba ang hirap mo akitin?! Sa isip nito.

----

Vannie's POV

"Sorry Van, wala na kasi akong ibang pwede lapitan para samahan ako. Kapag naman nalaman ni Gian, magpapaliwanag ako sakanya."

"Naku Cloud, try mo kasing maghanap ng girlfriend para may kasama kang mamili."

"Girlfriend? Nakakain ba yun?" Hinampas ko naman siya. "Joke lang! Masyado kang seryoso eh."

"Hay. Ewan ko sayo. Ano bang lulutuin mo?"

"Kahit ano. Actually wala naman akong alam na dish so pwede bang ipagluto mo ako?" Hinampas ko ulit si Cloud.

"Aba. Abusado ka na ah?" Sabi ko habang tumatawa. Tumatawa lang rin si Cloud habang kumukuha ng mga bibilhin niya.

Biglang nagring ang phone ko kaya tiningnan ko yun. Unregistered number. Sino kaya to?

"Who's calling?" Tanong ni Cloud.

"Unregistered number eh."

"Answer it. Baka importante." Sinagot ko ang tawag.

"Hello. Who is this?" Tahimik ang paligid at walang sumasagot. "Hello? Sino to?"

"Is this Ivannah Cristobal?" Sagot ng isang lalaki.

"Sino 'to?"

"Gusto lang kitang balaan Mrs. Cristobal.." Sandali siyang tumahimik. "Bantayan mo ng maigi ang asawa mo dahil baka mamaya magulat ka nalang na isang araw may iba na siyang kinahuhumalingan na babae. Ikaw rin, baka magsisi ka."

"Sino to!? Damn. Answer me! Who are you?!"

"Vannie what's wrong?"

"Hello!! Sumagot ka!! Hello?!" Tiningnan ko ang screen at nakita kong binaba na niya ang tawag. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Ivannah. Answer me! What's wrong?!" Hinawakan ni Cloud ang magkabilang balikat ko pero ngumiti lang ako sakanya at tinanggal ko yun.

"Wrong number. Akala niya ako yung asawa niya." Naglakad na ako papalayo kay Cloud.

Ivannah, h'wag mo ng isipin yun. Pinagtitripan ka lang nun. H'wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. H'wag.

Nilingon ko ang paligid ko. I'm trying to figure out kung may sumusunod sa amin pero wala naman akong nakita.

Napahawak ako sa push cart. "Ivannah, what's wrong? Ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Cloud habang hawak niya ako. "I-it's nothing. Nahilo lang siguro ako, Cloud. Don't worry."

"You sure?" Tumango ako. "Okay, sige. I better take you home. Baka mamaya magkasakit ka, konsensya ko pa. Biro lang." Tumango akong muli tsaka naglakad na kasunod kay Cloud.

Hindi ako mapakali, lumilipad ang isip ko. I trust you Gian. Don't make the same mistake your dad made with my mom..

-

NANG makauwi kami sa bahay ay hinatid ako ni Cloud. Masakit pa rin ang ulo ko, nahihilo ako. I'm getting stressed.

"Are you sure na hwag magpatingin sa doctor, Ivannah?"

"No need Cloud. Kailangan ko lang ng pahinga. Thanks for the concern by the way."

"Tss. Ivannah, please. Take care of yourself at please lang. Matauhan ka na sana."

"Cloud, please.."

"Okay okay! Magpakamartyr ka Lara Ivannah, if that's what you want. Pero oras na ako mismo ang makakita ng kagaguhan ng asawa mo, I swear to God that I'll take you away from him." Nginitian ko si Cloud tsaka niya ako niyakap. I just hugged him back. I wish I could be stronger, I don't want my family to be ruined again.

-

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon