[Gian's POV]
Five strong months kaming naging masaya ni Ivannah. Minsan hindi kami nagkikita dahil hindi siya pinapalapit sa'kin ng magulang niya. Masakit na hindi boto sa'yo ang magulang ng taong mahal mo pero para sa'kin, pagsubok lang 'to sa amin ni Ivannah. Natutuwa lang ako na umabot kami ng five months kahit ganito ang sitwasyon namin.
"Ma.. Gusto kong ipakilala ang girlfriend ko." Hawak ko ang kamay ni Van habang kaharap si Mama.
"Hello po.." Laking gulat ko ng magsalita si Mama at hinawakan ang kamay ni Ivannah.
"Ikaw ba ang kinahuhumalingan ng anak ko?" Tanong ni mama kay Ivannah. Nagkatinginan kami ni Ivannah saka ako ngumiti. Lumapit ako kay mama saka siya niyakap. Napapaluha ako habang nararamdaman kong nakayakap pabalik sa akin si mama. Hinagod hagod ni mama ang likod ko.
"Ma, magaling ka na ba? Ma, wag mo na ulit akong iiwan ha.." Hinawakan ni mama ang magkabilang kamay ko at nakita kong umiiyak din siya. Malaki ang naging improvement ni mama mula nung five months. Naging hands on ako sa pag'aalaga sakanya at yun ang dahilan ng mabilisang paggaling niya.
Umupo kami ni Van at nakatingin lang sa akin si Mama. Maaliwalas ang mukha ni mama at nakatingin sa amin.
"Anong pangalan mo ija?" Tanong ni mama kay Van.
"Ahm. Lara Ivannah Santos po." Saka nagbow si Van kay mama. Napatingin sa akin si mama saka bumalik ang tingin kay Van.
"Santos? Kaano'ano mo sila Lauren at Ivan? Kasunod kasi ng pangalan mo ang pangalan nila."
"Magulang ko po sila." Nagkatinginan ulit kami ni mama. Ngumiti si mama kay Ivannah.
"Pakisabi sa mama mo dumalaw dito. Gusto ko kamo siyang makausap." Tumango naman si Ivannah kay Mama. Nagkatuwaan kami sa pagkukwento kay mama, malaki ang pinagbago ni mama mula nung ipinasok siya dito. Gusto ko sanang magtuloy'tuloy na ang paggaling ni mama. Gusto ko na maging masaya na siya.
"Gian, anak gusto ko rin sanang makita ang papa mo." Napalingon naman ako kay mama. Sa totoo lang ay ayokong makita ni mama si papa. Baka kasi masaktan lang siya kapag nalaman niya ang mga pinaggagagawa ni papa.
"Kailangan ba talaga?" Hinawakan ni mama ang kamay ko. Tumingin siya sa akin.
"Gian, may mga dapat kaming isettle ng papa mo. Please?" Tumango naman ako kay mama saka tuluyan ng nagpaalam. Gusto ko na sana siyang iuwi sa bahay pero hindi pa pwede dahil oobserbahan pa siya ng mga doctor.
-
Ng umuwi ako sa bahay namin, nakita ko si papa na nakaupo sa couch at natutulog. Pinatay ko ang television at nagising si papa.
"Oh Gian, nandito ka na pala." Binaba ko ang remote control saka lumakad paakyat.
"Pinapapunta ka ni mama sakanya." Bigla namang napalingon sa akin si papa."S-Siya mismo ang nagsabi??"
"Oo." Saka ako tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko. Nakakapagtaka lamg dahil hindi na siya nagdadala ng babae sa bahay. Baka nakonsensya. Tss. Wala naman akong pakialam.
-
[Daniel's POV]
Unti unti akong naglakad palapit kay Christine, bawat lakad, kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan akong makita siya. Dahil kahit anong gawin ko, hindi mawala sa dibdib ko ang sakit ng malaman kong di ako ang ama ng magiging kapatid sana ni Gian.
"Daniel?" Nakita ko si Christine na nakaupo at nakangiti sa akin. Lumakad ako palapit sakanya at umupo sa harap niya.
Niyakap ako ni Christine. Napapikit ako ng mariin. Hinawakan ni Christine ang magkabilang kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/11360973-288-k213905.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?