chapter twenty seven.

6.8K 92 17
                                    

[Lauren's POV]

"Renz, Vannie, dito na kayo mag'eenroll sa Manila ha. We'll be staying here for a few months for dad's business." Sabi ko sa mga anak ko while having our lunch.

"Kailangan matuto kayong mag'tagalog." Dagdag naman ni Ivan.

Tumango naman ang mga anak ko. It's been one week since we moved to Manila. Pumayag naman sila Vannie at Renz dahil gusto ring bumalik ni Vannie at gustong makasama ni Renz si Ate Daniela.

"Ma? Can I go to Tita Ganda later?"

"No need babies! I'm here!!" Napalingon naman kami kay Ate na kasalukuyang kakadating lang. Dala dala niya ang baby niyang si Dane.

Tumayo naman kaagad si Vannie para yakapin si Ate Daniela. Tumayo na rin naman kami nila Ivan para salubungin siya.

"Ate? What's wrong? Bakit andami mo atang dalang gamit?" Napansin ko ang isang maleta na nasa tabi ni Ate Daniela. "Tsaka bakit may mga pasa ka?"

Pinapasok ko na muna sila Vannie at Renz at pinasama ko sakanila si Dane. Umupo kami nila Ivan sa sala para malaman ang problema ni Ate Daniela.

"Ate." Ramdam kong malungkot si Ate Daniela ngayon at si Ivan naman ay nakatingin lang sakanya.

Nagsimulang umiyak si Ate Daniela. "Are you a battered wife?!" Nagsimulang magsalita si Ivan. Hinawakan ko naman ang kamay ni Ivan. Napatingin ako kay Ate at tumango siya habang umiiyak.

"He hurts me everyday. Tinitiis ko naman eh. We've been together for 5 years, at araw araw ganito. Pero ngayon, si Dane na ang sinasaktan niya. Kaya umalis na ako. Wala na akong ibang alam na pu-"

"You can stay here. Even forever ate." Pinutol na ni Ivan ang sinabi ni Ate. Pinadala na ni Ivan sa mga maid ang gamit ni Dane at Ate Daniela sa bakanteng kwarto sa taas. "Asan ang asawa mo?"

"He's abroad." Lumipat ako sa pwesto ni Ate Daniela saka ko pinunasan ang luha niya.

"Ssh.. Tama na ate, nandito kami.." Hinagod ko ang likod ni ate. Si Ate Daniela ang pinakahuling babaeng iniisip kong makikita ko na ganito. Napakalakas niyang babae para sa akin. Pero tulad nga ni Superman, may kahinaan din siya.

Pagmamahal, yan ang salitang kayang sumira sa lahat. Isang bagay na minsan na ring sumira sa akin, isang salitang kahit kailan, hindi nawala sa akin.

Ilang tao pa kaya ang kayang sirain ng salitang ito?

**

[Vannie's POV]

The next week, mom enrolled me at DC University. She told us that we'll just be staying here for a few months or years but we'll still go back to the US. But of course I can't stop my studies.

"Lara Ivannah Dela Cruz Santos, I don't tolerate late night parties, gimiks or whatever. I wan-"

"I want you to be here before 8PM sharp. Any reasons why you can't be here at that certain time needs to be reported to my dearest parents. I know dad, linya mo rin yan back in US." Saka ako ngumiti kay Dad. I don't mind that rules, in fact I love it because it makes me feel protected by my dad.

I kissed my dad and mom goodbye and rode my car. Hindi ako marunong magdrive. I have a driver slash bodyguard.

When I reached school. I saw girls wearing gym class uniforms. Since I'm new here, of course wala ako nun. I roamed my eyesight, walang familiar faces sa akin sa university na to. But, nakakamiss rin pala ang mainit na simoy ng hangin sa Pinas.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon