chapter thirty five.

5.2K 74 7
                                    


Bakit ganito? Sa tuwing magmamahal na lang tayo laging may nasasaktan, laging may nahihirapan. Parte ba talaga to ng pagmamahal? Ang magpakatanga at isipin ang taong mahal nila keysa sa sarili niya? Siguro ganito nga ang pagmamahal. Minsan masaya, pero madalas, masakit at hindi ka magiging masaya hanggang hindi ka nasasaktan.

[Vannie's POV]

Naglakad ako habang hindi ko alam kung saan ako pupunta. I got a bad hair day, nasira rin ang parte ng damit ko dahil sa pag'aaway namin nung malanding yun, wala akong suot na sapatos, pero eto, naglalakad ako sa kawalan. Habang iniisip kung paano papalakasin ang loob ko. Habang sirang'sira na ako.

Unti unti kong napansin ang pagkapagod ng katawan ko. Umupo ako sa gilid ng kalsada, natatawa nga ako dahil mukha akong pulubi sa ginagawa ko.

Kumulog at konting sandali pa ay bumuhos na ang malakas na ulan, I'm soaking wet dahil wala naman akong dalang payong. Ang langit nakikisabay pa sa pag'eemote ko. Nakakatawa talaga.

Iniangat ko ang mukha ko at niramdam ang ulan. Napapikit ako at patuloy pa rin sa pag'agos ang mga luha ko. Mabuti na lang at umuulan at hindi halatang umiiyak ako.

"Van." Napalingon ako ng maramdaman kong tumigil sa pagpatak ang ulan sa katawan ko. Pag'angat ko ng mukha ko ay ang taong huling inaasahan kong nandito.

Si Gian..

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga likidong lumalabas sa mata ko, hindi ko alam kung magiging masaya ba ako na nandito siya o malulungkot dahil umaasa nanaman ako.. Umaasa nanaman ako sa kanya.

Tumayo ako. Binitawan ni Gian ang hawak niyang payong at niyakap ako. I was not reacting back. Wala akong emosyong maipakita sakanya.

"Vannie, I'm so sorry.." When I heard him crack his voice, hindi ko na napigilan at niyakap ko na siya pabalik. Umiyak na rin ako, which is kanina ko pa ginagawa.

"Sabihin mo sa aking mahal mo pa ako, sabihin mong ako pa rin, sabihin mong nagkamali ka lang kanina please." Pagmamakaawa ko sakanya. Pero naramdaman kong bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin. Pero hindi ko siya bibitawan..

"Van. Totoo ang mga sinabi ko kanina. I mean it when I said I fell out of love for you. I'm sorry." Bumitaw na ako sakanya saka naglakad na palayo sakanya. Hindi ko na kaya ang nangyayari. Masyado na akong nasasaktan. I need to find a place where I could be peacefully me.

-

3RD PERSON'S POV:

Maggagabi na at malakas pa rin ang buhos ng ulan. Nag'aalala si Lauren at Ivan dahil hindi pa rin umuuwi si Vannie.

"Renz, hindi mo ba nakita ang ate mo?" Nag'aalalang tanong ni Lauren.

"No mom, sorry." Inilabas ni Renz ang phone niya para kontakin ang kapatid pero nakaoff lang ang phone nito.

"Mam! Ser! Si Ma'am Ivannah po.." Nagmadaling tumakbo si Ivan sa pintuan at doon nila nakita si Vannie na basang basa at nakapaa. Mabilis na yumakap kay Ivan si Vannie at bumuhos nanamang muli ang luha ni Vannie.

"What happened?" Pero patuloy paring umiyak si Vannie hanggang sa hinamatayin siya.

"Van!" Mabilis na binuhat papunta sa kwarto si Van at tinuyo ni Lauren. Binihisan niya rin ang anak saka hiniga sa kama. Kumuha ng maligamgam na tubig si Lauren saka ibinabad doon ang towel saka pinunasan si Vannie.

"Mom.." Ivannah said. Naluluhang ngumiti pabalik si Lauren.

"Ang sakit.. Ang sakit sakit.." Vannie said between her sobs. Lauren couldn't take the fact of seeing her daughter miserable and broken in front of her. She wants to blame herself for everything but she just ended up crying for her daughter.

Lauren held her hands and wiped away Ivannah's tears. She felt a warm hug from Ivannah and she definitely hugged back.

"Mom, i-it's all my fault. I didn't listen to you. I was so stubborn, and this is karma."

"Wala kang kasalanan Vannie. Don't blame yourself please.." Muling nagyakapan ang dalawa hanggang sa muling makatulog ang anak niya.

-

[Vannie's POV]

Months passed at ganun pa'rin ang sitwasyon namin ni Gian. We don't talk, we see each other but disregard our presence. It's like we don't exist. It's like there was never an us. I keep calm and focused my attention to my studies and other curricular activities. I became a student council president and not to mention that Gian was vice. It was awkward though but what we have between us is already a different matter.

"Lala, I need the papers for the upcoming foundation day. Please give it to me before the school hours end."

"Sige po president." Tahimik lang akong nagbabasa ng mga written reports ng freshman students. Biglang may isang papel ang inilagay sa desk ko.

"Can't you see I'm busy? Talk to you later." Pero hindi nagpatinag ang naglalagay ng papel sa desk ko. Nag'angat ako ng tingin at nakita ko si Cloud. Ang treasurer ng SSC.

"Cloud. Ano nanaman bang kailangan mo?" Iritableng tanong ko habang nakatutok pa'rin ang atensyon ko sa mga binabasa kong written reports.

"Nothing babe. Napansin ko lang na masyado kang nagpapakabusy jan. What if we eat lunch? My treat. Wala akong kasama eh." Pakyut pang sabi ni Cloud sa'kin tsh. Napairap ako sakanya.

"Wala? Nandiyan si Yuri, si Michaela, si Cyrelle, si Francheska, nandiyan si Laura, si Michelle, si Jane, si Angela. Mga girlfriend mo yan di'ba? Sakanila ka nalang magpasama." Sagot ko.

"Whoa! Correction, EX-Girlfriends. Kaya please samahan mo na ako."

"I'm busy."

"Eto na lang. Liligawan nalang kita! Ayos ba yun?" Napa'angat ako ng tingin pero bago pa man ako makapagsalita ay biglang lumapit si Gian at may iniabot sa'king envelope.

"Ehem. Pres, may pinapapirmahan yung mga artists ng foundation. Kailangan raw nila ng fund para sa decors." Tiningnan ko ang envelope atsaka inilabas ang papel dun saka pinirmahan.

"Cloud, mangolekta ka na sa lahat ng seniors at juniors. We need funds."

"Someone's jealous." Nagkatinginan naman kami ni Gian pero iniwasan ko na lang siya ng tingin.

"Cloud. Mangolekta ka na! We don't have forever." Saka ko binalik ang atensyon ko sa written reports.

"Okay babe!" Saka lumabas si Cloud.

Naging awkward naman ang paligid dahil kaming dalawa nalang ni Gian ang natira sa loob ng SSC room. Pinilit ko na lang na hindi pansinin ang presence niya tulad ng palagi kong ginagawa.

"Vice, paki'sabi sa faculty kung pwede paki'pirmaha-"

"Nagdedate ba kayo ni Cloud?" Napatingin naman ako kay Gian at nagsalubong ang kilay ko.

"Date? Nababaliw ka na ba?" Hindi ko siya pinansin at kinuha ko ang mga folder at akmang lalabas pero hinigit niya lang ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakatitig pa rin siya sa akin. Ano bang problema nito? Hindi na nakakatuwa to!

"Bitawan mo nga ako!"

"Gusto ko lang malaman kung ano na bang meron sainyo ni Cloud." Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Since when did you care about my personal life huh Gian Rafael? Baka nakakalimutan mong matagal na tayong tapos. You don't own me. Kaya quit acting like you fucking care! Kasi nakaka'inis!" Hinawakan ko ang doorknob saka binuksan yun. Before I could close it I heard something that made my heart beat like a drum.

"I never stopped caring about you."

-

AUTHOR'S NOTE:
PASENSYA NA PO SA MATAGAL NA UPDATE! UNFORTUNATELY, NAWALAN KAMI NG INTERNET CONNECTION SA BAHAY. KAYA MEDYO MADALANG NA TULOY MAKAPAG'UPDATE :( Pasensya na ha. Sana keep reading guys! Labyu :*

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon