chapter twenty four.

7K 108 10
                                    

[Lauren's POV]

Naisipan namin ni Ivan na pumasyal kasama si Ivannah. Para naman makapaglibang kami at para matanggal sa isip ko ang sinabi sa akin ni Christine nung isang linggo.

"Mommy, Daddy, Let's go to the mall." Umoo naman si Ivan at nagpunta na nga kami sa mall.

Habang nasa daan naman ay kinuha ko ang compact powder ko. Hindi ko maiwasang maconscious sa itsura ko. Pakiramdam ko talaga ang pangit ko ngayon kahit nung ibang araw.

Ng makarating kami sa mall excited na kaming hinila ni Ivannah papasok.

"Mauna na kayo, i'papark ko lang 'tong car." Tumango naman ako kay Ivan.

"Mommy! Tara na." Pumasok naman kami ni Ivannah sa mall dahil excited na excited siya. Hindi sa first time niyang magpunta ng mall pero dahil ngayon ang opening ng isang malaking toy shop sa mall.

Hawak ko ang kamay ni Ivannah habang naglalakad kami. Usapan namin ni Ivan na magkikita kami sa DQ.

Since I was craving for ice cream I decided to buy one at ibibili ko na rin si Ivannah at Ivan.

Ng ako na ang nasa counter, umorder na ako. "Ivannah what flavor do you-"

Napatigil ako ng makita kong wala sa tabi ko si Ivannah. Tiningnan ko ang paligid pero wala siya. Nasaan na siya?!

"Ivannah!!" Lumibot ako para hanapin siya pero hindi ko siya makita. God! Where's my daughter?!

"Babe, what's the matter?" Nakita ko si Ivan.

"Ivan!! Nawawala si Ivannah!!"

"What?!"

**

3RD PERSON'S POV

HABANG nakapila si Lauren sa counter ay nakahawak si Ivannah sa damit ng nanay niya.

Pero ng mahagip ng mata ni Ivannah ang isang batang may dalang napakalaking teddy bear ay napagpasyahan nitong sundan ang bata.

Bumitaw to kay Lauren at nagsimulang maglakad palayo sa nanay niya.

Habang naglalakad si Ivannah ay hinabol niya ng tingin ang batang may hawak na malaking kulay blue na teddy bear.

Hinabol niya yun saka kinalabit. "Excuse me! Can I have that teddy bear?"

Humarap ang bata kay Ivannah. "Ano ka sinuswerte? Go buy one for yourself."

Aalis na sana ang bata pero hinila ni Ivannah ang hawak nitong napakalaking teddy bear.

"I'll just pay you! Please just give me that." Sabay puppy eyes pa ni Ivannah sa kausap niya.

"You are a girl right? You shouldn't get teddy bears with a blue color! Dapat pink."

"Bakit? Blue is for girls too. Tingnan mo nga yung shoes ko oh, kulay blue!" Saka tinuro ni Ivannah ang sapatos nito.

Napakamot naman ang bata. "Tss. Oh ayan. Kaya pa naman ako ibili ni Papa ng marami pa nyan."

"Wie!! Thank you!!" Niyakap ni Ivannah ang hawak nyang teddy bear. Aalis na sana ang batang kausap niya pero tinawag ulit ito ni Ivannah.

"Hey generous kid! What's your name?" Lumingon naman ang bata kay Ivannah. Lumapit ito sakanya.

"I'm Gian." Saka nakipagshake hands ito kay Ivannah.

"I'm Ivannah! Call me pretty instead." Saka ngumiti si Ivannah. Napairap naman si Gian sa sinabi ni Ivannah.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon