LARA
TAHIMIK lang ako sa loob ng eroplano. Nakatingin lang ako sa labas habang katabi ko si Gian. I can't even look at him. Bakit ba ako nagkakaganito? He should mean nothing to me already by this time.
"Lara, are you hungry?" umiling lang ako nang hindi pa din lumilingon sakanya. Pero may naamoy naman ako kaya ako napalingon.
Amoy.... amoy.... amoy..
Bagoong?
Nang lumingon ako kay Gian ay kumakain ito ng mangga na may bagoong. Bigla naman akong naglaway. Gosh, that is one of my favorites.
Tumingin naman sa akin si Gian. "Here, let's eat. It's a good thing hindi ka nagugutom. Alam kong paborito mo ito."
Hindi kaagad ako nakatugon. Ayaw kong kumuha dahil baka kung ano ang isipin niya pero sobrang sarap talaga ng mangga na dala niya.
"Come on, eat up." sabi pa ni Gian. Napalunok ako.
Saka na ako mag-iinarte pagka-kain ko.
Kukuha na sana ako nang biglang isubo sa akin ni Gian ang manggang kinagatan niya.
My eyes widened. It.. It's like sharing a kiss.. Indirectly!
"Masarap di'ba?" Sabi ni Gian tyaka ngumiti sa akin. Ako naman ay kaagad na umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko.
Dammit! Para akong teenager na nakainom sa isang tumbler kung saan uminom ang crush niya and this is frustrating! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
"A-Akin na nga yan!" Kinuha ko ang buong lalagyan ng mangga at bagoong at kumain ng kumain ng hindi lumilingon pa ulit kay Gian.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
NAKARATING kami sa Cebu nang hindi nag-iimikan.
Kaagad kaming nagpunta sa hotel kung saan ako nagpareserve ng kwarto.
"I'm Lara Santos and nagpareserve ako ng two bedrooms yesterday." Tiningnan ng cashier ang booklet at humarap sa akin.
"I'm sorry Ma'am but according to what's written here, you made reservations for two beds, one room."
"Wait.. I said two bedrooms! Two bedrooms, one bed each. You must have misheard me. Just give us two bedrooms."
"I'm sorry Ma'am but right now, that's the only available room."
"What? That can't be right. Kayo ang nagkamali so why would we suffer the consequences of it? Give us two bedrooms."
"I'm really sorry Ma'am, marami po kasing tourists this season, kahit sa ibang hotels po nagkakaubusan na ng rooms. Unfortunately it's the only room we have left."
Napasuklay ako sa buhok ko with frustrations. Humarap muli ako sa cashier.
"Look, miss if you can't get me the room I—mmm!!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan ni Gian ang bibig ko.
"We'll take the room. Thank you." Sabi ni Gian tsaka ako hinila papunta sa elevator.
"GIAN CRISTOBAL! WHAT WERE YOU THINKING?" I shouted when he let go of my mouth.
"We have no other choice. Unless gusto mong magspend ng night sa labas? It's our only option. Saka two beds naman yung room. Hindi mo kailangang mangamba na makakatabi mo ako sa kama."
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?