[D] Broken Memories.

1.6K 29 2
                                    

[Gian's POV]

"Condolence Gian, I wish you could get through with this tragedy."

"Salamat." Umupo ako sa tabi ni Ivannah. Buong magdamag siyang nakatulala at wala sa sarili. Hindi siya kumakain at nandun lang siya magdamag at pinagmamasdan ang kabaong ni Gino.

Niyakap ko si Ivannah. "Mahal ko, kaya natin 'tong lagpasan. Kayang kaya natin, please, wag mong pabayaan ang sarili mo." Hindi siya sumasagot. As expected, hindi niya matanggap na wala na si Gino. Kahit naman ako hirap rin akong tanggapin pero eto ang katotohan, kailangang tanggapin kahit mahirap at masakit kailangang magmove-on sa buhay. Kailangan ko ring maging matatag dahil ako ang padre de pamilya. I need to protect my family.

"Gian. ." Napalingon ako at nakita ko si Mama Lauren at Papa Ivan. Umiiyak si Mama habang pinagmamasdan ang kabaong ni Gino. Hinahagod lang ni Papa ang likod ko habang nakadantay naman sakanya si Ivannah.

"Be strong anak." Sabi niya pa kay Ivannah pero hindi pa rin nagsasalita si Ivannah.

-

Two weeks passed at ganun pa rin ang estado ni Ivannah. Nalibing na rin si Gino at hindi dumalo si Ivannah. Ayaw niyang maniwalang wala na si Gino. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak gabi gabi.

Lalo akong nasasaktan kapag nakikita ko siyang ganyan. Nadadagdagan bawat gabi ang sakit na nararamdaman ko mula sa pagkawala ni Gino. Si Luke naman ay nandun lang kila Mama dahil hindi na namin siya maalagaan ng maayos ni Ivannah.

"Ivannah, kakain na." Katok ko sa kwarto. Hindi siya tumitingin sa akin at nakatingin lang siya sa picture ni Gino sa side table ng kama.

Lumapit ako sakanya. "Ivannah?"

"I am such a bad mother." Umiiyak na sabi niya sa akin. "Pinabayaan ko siyang mamatay, kinutuban na akong may masamang mangyayari pero anong ginawa ko? Wala akong ginawa. Eto ang kaparusahan ko dahil wala akong kwentang ina. Wala akong kwenta Gian!" Biglang sinabunutan ni Ivannah ang sarili niya. Agad ko siyang pinigilan.

"Ivannah! Wag!" Niyakap ko siya habang umiiyak pa rin siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong nakikitang ganito si Ivannah.

Hinawakan ko ang baba ni Ivannah and kissed her. She didn't protest at the same time, she didn't responded. I just smiled at her.

"Vannie-"

"Gian, just let me be alone." Sabi ni Ivannah habang hindi pa rin tumitingin sa akin. Napatango na lang ako saka lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto, kinuha ko ang phone ko. Naiiyak nanaman ako dahil napadako ang tingin ko sa swing sa may balcony. Naaalala ko nung panahon na maaga na nagbabasa ako ng diyaryo at tatakbo palapit sa akin ang mag-iina ko. Pero wala na. Alam kong hindi na mangyayari 'yun.

"Hello, Kuya? Bakit?" Napatingin ako sa phone ko. Nadial ko na nga pala ang kapatid ko, si Kian. Half brother ko mula kay Papa at kay Tita Yesha.

"Kian, shot tayo. Treat ko." I just feel like unwining this night. Masyadong malungkot ang bawat araw ko mula nung mawala ang anak namin ni Ivannah. Alam kong hindi na babalik pa si Gino sa amin kahit anong pagpapakamiserable ang gawin naming mag-asawa.

Ibinilin ko sa mga maids si Ivannah at sinabi kong aalis lang ako saglit. Nagdrive ako papuntang bar kung saan kami magkikita ni Kian, sinabi rin niyang kasama si Dane, ang pinsan ni Ivannah.

Pagdating ko dun, naabutan ko silang nag-iinuman. "Hindi niyo man lang ako hinintay." Pabirong sabi ko sa kanila.

"Oh, Kuya, kamusta na sa bahay niyo?" Tanong sa akin ni Kian. Umorder na ako ng iinumin ko saka sinagot ang tanong niya.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay."

"Hindi mo pa rin ba makausap ng maayos si Ate Van?" Umiling ako sakanila saka inistraight ang isang bote.

"Ang hirap pala. Mas masakit 'yung nararamdaman ko ngayon sa pagkawala ng anak ko kaysa sa pagkawala ng mama ko noon. Ang sakit isipin, ang hirap tanggapin. Ang bata bata pa ni Gino, marami pa siyang dapat matutunan sa mundo pero bakit ganun? Nawala siya, nawala siya ng isang iglap." Doon ko na naibuhos ang hinanakit ko sa nangyari.

"Kuya, dapat maging matatag kayo ni Ate Van. Alam mo namang hindi lang si Gino ang anak niyo, kung parehas kayong magpapakamiserable sa buhay niyo, paano nalang si Luke? Kawawa 'yung bata, walang kamalay malay sa mga nangyayari sa paligid."

"Saka Gian, wag kang magpapalamon sa sakit. Ikaw na lang ang tanging sandigan ng pamilya mo. Paano na lang kapag nanghina ang sandigan nila? Edi lalo silang nagkaroon ng dahilan para sumuko." Dagdag pa ni Dane. Kinuha ko ulit ang isang bote at inistraight ulit. Hindi ko iniinda ang pait ng iniinom ko, all I want now, is some peace of mind. Gusto kong makalimot kahit ngayong araw lang.

"Dude, tama na yan." Pananaway sakin ni Dane pero hindi ako nagpapigil. Kailangan ko 'to. Kailangan ng sistema ko 'to. Pampalubag loob kumbaga.

"Hayaan niyo na ako. Minsan lang 'to. Gusto ko lang makalimot kahit ngayon lang. Kasi alam ko bukas, nasa isip ko nanaman ang nangyari." Hindi na sila nagsalita at hinayaan na nila akong gawin ang kung ano man ang gusto ko.

-

4:30 A.M.

Narrator's POV:

Lasing na lasing na dumating sa bahay nila si Gian. Hinatid siya ni Dane at Kian mula sa bar na pinuntahan nila. Naparami ng inom si Gian kaya siguro ganito na lamang ito kung mawala sa sariling katinuan.

Bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad kay Kian at Dane si Ivannah. Bakas sa mata niya na galing siya sa matagal na pagkakaiyak.

"Sorry Ate Van, nagkayayaan lang." Sabi ni Kian. Tumango lang si Ivannah saka pinapasok ang dalawa. Hiniga nila si Gian sa couch at pagkatapos ay umalis na rin.

Lumapit si Ivannah sa asawa niya at pinagmasdan ang natutulog na mukha nito.

Napaatras siya ng dumilat si Gian. Ngumiti sakanya si Gian. "Mahal ko. ." Tawag niya kay Ivannah. Hindi pa rin siya umiimik. "Mahal ko, wag.. Huwag mo akong iiwan. Please." Hinawakan ni Gian ang kamay ni Ivannah na dahilan para bumagsak ang mga luha sa mata ni Ivannah.

"Gi-Gian.." Hinaplos ni Ivannah ang mukha ni Gian at niyakap niya ito. "Gian, I'm sorry,"

"Hmm.." Tanging ungol nalang ang nasabi ni Gian dahil sa sobrang kalasingan. Kumuha ng kumot si Ivannah at kinumutan siya atsaka hinalikan ang noo ng asawa niya bago siya umakyat sa kwarto.

-

[Gian's POV]

Nagising ako na parang may bumanat ng ulo ko sa sobrang sakit. Tsh, hangover siguro to.

"Eto, inumin mo para mawala 'yang hangover mo. Nagluto na ako ng almusal. Kapag nagutom ka pumunta ka na lang ng kusina." Napaupo ako. Nakita ko si Ivannah na inilagay ang isang mango smoothie sa mesa.

"Ivannah.."

"Yeah, it's me. Wag kang mag-alala, hindi ka pa patay. I just realized some things that I was so blinded before." Nakayukong sabi niya sa akin. "By the way Gian, sunduin natin si Luke mamaya kila Mommy at Daddy. Baka nakakaistorbo na tayo sakanila." Nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti si Ivannah. She's back. And I'm happy about that.

-

Author's Note: Sorry I've been away for some quite time. I need to refresh my mind. Hindi ko na kasi matandaan ang plot na ginawa ko sa Book 2 ng MEB. So I needed to think of another plot for the story, sana lang ay magustuhan niyo pa rin ang flow kahit na medyo maraming tragic scenes ang kakaharapin ni Gian. Yes! Oh, and btw, halos puro kay Gian lang ang POV na gagawin ko. Gusto ko lang maranasan kung paano maging bida ang lalaki so, ayun. medyo nobela yung AN pero sana magleave kayo ng comment kasi kinakabahan ako kung nagugustuhan niyo ba o ano eh. XD Hahahaha. Yun lang. Happy 200k reads and counting! Hahahahahahahahahahahaha.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon