[Lauren's POV]
Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lamig ng nararamdaman ko pero parang namanhid na ang pakiramdam ko at kahit malunod pa ako sa tubig na 'to ay hindi niya mabubura ang kababuyang ginawa sa akin ni Daniel. Hindi pa 'rin mabura ang labi niya sa balat ko.
"Lauren! Where are you?! Lauren!" Nagulat ako nang may sumipa sa pintuan ng banyo. Nakayakap pa 'rin ako sa sarili ko habang patuloy na umaagos sa katawan ko ang tubig na nanggagaling sa shower. Saglit akong napatingin kay Ivan pero kaagad ko 'ring binawi 'yun. Hindi ko siya kayang harapin, pagkatapos ng ginawa sa akin ni Daniel. "Lauren, please talk to me.. Anong nangyari? What did that bastard do to you?! I came back as soon as I got a call from the security saying that Daniel was here.. Love, please.."
"I-Ivan.." Napapikit ako ng mariin at humigpit 'rin ang yakap ko sa sarili ko. "S-sorry, h-hindi ko ginusto na m-mangyari 'yon.. Ivan, s-sorry.." Humagulgol ako sa harapan ni Ivan. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at sakit at hindi ko alam kung ano pang mukhang ihaharap ko sakanya pagkatapos ng nangyari na 'yon.
"W-wala akong lakas para pigilan siyang hawakan ang buong katawan ko.. H-hindi ko ginusto 'yun, Ivan. H-hindi.." Nagulat ako nang yakapin ako ni Ivan kaya naman pati siya ay nababasa na 'rin ng shower. Mas lalo akong napaiyak at napayakap 'rin sakanya.
"I will make him pay for this. I swear to God that I'll make him fucking pay for this." Kalmado pero ramdam kong nanginginig sa galit si Ivan. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ivan, I'm sorry." Umiiyak kong sabi sakanya. Hindi deserve ni Ivan ang isang tulad kong nakakadiring babae. Pero ang selfish ko kasi pinipilit kong sa akin na lang si Ivan. Ayoko nang mapunta sa iba, sakanya ko lang gusto.
"Sshhh baby. It's not your fault.. Wag ka nang umiyak. Nandito ako, nandito na ako." I hugged him. Wala akong pakialam kung hubad ako at basang basa na kaming dalawa. All I know is that I need him. I need Ivan in my life. Hindi ko na yata kakayanin kapag nawala siya sa buhay ko. Hindi.
Nagbihis na kami parehas ni Ivan. Nahiga naman ulit ako dahil umatake nanaman ang sakit ng ulo ko at medyo nanlalata nanaman ako. Uminom lang ulit ako ng antibiotic at napahilot ako sa sentido ko. Sa sobrang daming stress na dumadating sa buhay ko, hindi ko na talaga maiiwasang sumakit ang ulo ko.
"Can you walk? I wanna take you somewhere."
"Saan tayo pupunta?"
"Somewhere." Kinuha ko ang sling bag ko atsaka kami lumabas ni Ivan sa penthouse. Dumiretso kami sa parking lot at sumakay sa kotse niya.
"Ivan, saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Hindi naman siya sumagot at pinaandar lang niya ang sasakyan. Naging tahimik lang kami parehas sa buong biyahe at walang nagtatangkang bumasag sa katahimikan. Mukhang naramdaman 'yun ni Ivan kaya naman binuksan niya ang radyo at tanging music lang mula doon ang bumabalot sa buong kotse.
"LOVE," Napadilat ako nang marinig ko ang pagtawag ni Ivan. Lumingon ako sakanya at nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. Nilibot ko ang paningin ko at saka ko lang napansin na nasa mall kami.
"Anong ginagawa natin sa mall?" Tanong ko kay Ivan habang pinapark niya ang kotse.
"Let's go?"
IVAN was holding my hands in front of everyone inside the mall. Nakangiti siya habang naglalakad kami at hindi niya alintana ang iba't ibang matang nakatingin sakanya. Ivan is obviously the center of attraction inside the mall, hindi naman kasi maitatanggi na talagang gwapo si Ivan.
Nagulat ako nang maglakad kami ni Ivan papasok sa isang mamahaling jewelry store. Halos masilaw ako sa kinang ng mga alahas na nakapaligid sa akin at halos masilaw na 'rin ako sa presyo ng mga 'yon.
Ang isang kwintas na yata katumbas ng isang buwang renta namin sa dati naming apartment.
"Choose anything, love. Nakita ko kasi sa mga magazines na uso yung couple ring. Kaya bibilhan kita. Sinama kita kasi gusto ko yung style na gusto mo ang bilhin, tyaka you know I suck at surprises." Nakangiting sabi ni Ivan. Napahagod pa siya sa batok niya at parang nahihiya sa sinasabi niya. The saleslady also chuckled because of how cute Ivan is while he's doing that.
Napangiti naman ako sa kanya pero hinila ko 'rin siya palayo sa estante. Dahan dahan akong bumulong sakaniya, "Hindi ba masyadong mahal ang mga ito?"
"This is already the cheapest jewelry store around. Alam ko naman kasi na aayaw ka kapag masyadong mahal, if it was just me, I'll bring you to the most expensive jewelry store in the world just to buy you a ring. Because that is what you deserve." He then caressed my head and kissed me on my forehead. I blushed and slightly smiled. It's kinda embarrassing being like this in public. "Let's pick our couple ring, my love?"
Pumili na ako ng style. Yung simple lang para makaparehas kami ni Ivan.
Silver siya na may halong stones yung akin habang sakanya naman ay may diretsong linya bilang style.
"Ayan! Bagay sa'tin babe!" Masaya kong sabi kay Ivan.
"Oo. Tulad mo, bagay sa'kin." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta na sa mall.
Nagpunta naman kami sa mall. Naglakad lakad lang kami. At nawala naman ang hilo ko. Panandalian lang naman kasi yun. Napadaan ako sa Department store at naalala ko yung moment na nakita ko si Daniel dito.
Hinigpitan ko naman ang hawak sakanya. I don't want to let Ivan go. Kahit na anong mangyare.
"Babe? What's the matter?" Tanong niya sa akin. Umiling lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Babe? Uwi na tayo. Sumasama nanaman kasi pakiramdam ko eh. Saka. Inaantok ako." Tumango naman si Ivan at umuwi na kami sa bahay.
Pagkarating ko sa bahay ay humilata agad ako sa kama. I'm freaking sleepy. And I'm not feeling well.
"Babe. Tara na. Dinner na tayo." Naamoy ko si Ivan sa tabi ko. Ano yun?
"Pabango mo ba yun? Ba't ang baho!" Napaamoy naman si Ivan sa coat niya.
"Hindi naman ah. Baka dahil panlalaki." Nilapit pa ni Ivan sa mukha ko yung coat niya. Sht. Ang baho talaga!!
"Ivan! Lumayo ka nga sa'kin! Ang baho baho mo!!" Hawak ko pa ang ilong ko para di masyadong maamoy.
"Ang arte ng baby ko! Nako. At ang sungit pa! Meron ka no?" Pabirong sabi nito. Kinabahan ako sa sinabi niya.
Delay ako. Hindi pa'ko nagkakaroon. Ba't ganon? 1 month na'kong delay.
"Babe? May problema ba?" Narinig kong tanong ni Ivan. Nang walang anu ano'y tumakbo ako sa may faucet. Naduduwal ako.
"Babe! Anong nangyare! Babe!" Hinimas himas ni Ivan ang likuran ko habang sumusuka ako.
"Wala 'to. Siguro Nasuka lang ako sa amoy mo. Tara kumain na ulit tayo." Hinila ko siya pabalik ng mesa.
Kumain kami ng naguguluhan. I know many questions are in his head, so do I. Ayoko, wag muna.
I don't want to make conclusions. But the signs?
Sana naman hindi..
Kinaumagahan, I woke up seeing no trace of Ivan. 8AM palang ng umaga pero wala na siya. Wala din naman siyang pasok.
Tumayo ako at naglakad lakad. Umupo ako sa balcony at nag'isip isip.
Damn! Bumabalik sa akin yung nangyari sa amin ni Daniel nung gabing yun. Lasing ako, lasing siya. Pero we admit na ginusto din namin ang nangyari.
Ayoko, hindi pwedeng mangyari ang nasa isip ko. Hindi pwede.
--
EDITED
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?