[B] Birthday!

2K 38 0
                                    

Vannie's POV

Nanunuod lang ako ng TV mag-isa. Wala kasi akong kasama eh. Si Gino at Luke, ayun, nasa school, si Gian naman, nasa office. Kaya mag-isa lang ako. Napatingin ako sa orasan. Malapit na palang umuwi ang dalawang tsikiting.

Tumayo na ako at nagpunta sa kusina, magluluto na ako para sa memeriendahin ng mga anak ko. Nagluto ako ng hotcake at strawberry juice naman ang tinimpla ko, eto kasi ang favorite nila.

“Nanay!!” Napalingon ako at nakita ang dalawang babies na palapit sa akin. “We're home!!”

“How's school my little boys?” Nakita kong may inilabas na papel galing sa bag niya si Gino.

“Nanay, we have a fieldtrip on Friday. Can I join? Please nanay?” Tiningnan ko ang papel. Star City? Malapit lang naman pala.

“Let's ask your tatay first okay? Come on, kumain na muna kayong dalawa.” Lumapit naman ako kay Luke at napansin kong namumutla siya at parang nanlalata. Sinalat ko siya at may sinat nga siya.

“Luke, bakit naman hindi ka nagsasalita jan sinisinat ka nanaman. Tsk. Come on, I'll change your clothes. Yaya pakibantayan muna si Gino ha?” Binuhat ko si Luke at dinala sa kwarto. Pinalitan ko ang damit niya saka kumuha ng bimpo na binabad ko sa maligamgam na tubig. Pinunasan ko siya saka hinalikan ang noo niya. Ang batang to talaga, masyadong sakitin. Mahina kasi ang baga niya nung pinanganak ko siya.

“Luke, okay ka lang ba? Tatawagan ko ang doctor mo ha, para matingnan ka. Teka lang.” Tatayo na sana ako pero hinawakan ni Luke ang kamay ko.

“Nanay, no, don't call him anymore, I'm okay.” Napatingin naman ako kay Luke na nakangiti sa akin. Ngumiti naman ako pabalik sakanya saka tumabi sakanya. Kinantahan ko siya hanggang sa makatulog siya.

“Van.. Mahal ko.. Gumising ka na jan..” Naalimpungatan naman ako ng marinig ko ang boses ni Gian. Napatingin ako sakanya at nakita kong nakaupo siya sa tabi ko. Napatingin ako sa orasan, 7pm na pala. Nakatulog ako!

“Ugh. I'm sorry Mahal, napasarap ang tulog ko, I forgot to prepare dinner.” Sabi ko habang inaayos ang sarili ko. Nakita ko naman si Luke na nakikipaglaro na kay Gino. I felt relieved, mabuti naman at ayos na siya.

“It's okay, tara na,” Naunang naglakad ang dalawang bata sa amin. Hawak hawak ni Gian ang kamay ko. Bumaba kami at nagulat akong madilim ang paligid. Naramdaman ko ring bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Gian.

“Hey! Open the lights!” I yelled. Pero walang sumasagot. Hay. Madilim at wala akong masyadong makita. Naglakad na ako pababa hanggang sa may makita na akong kaunting ilaw. Ilaw galing sa kandila.

“Brownout ba?” Tanong ko pero wala namang sumasagot. Biglang bumukas ang ilaw at nakita ko ang dining table na punong puno ng pagkain.

Lumabas naman si Gian na may kagat kagat pang rose sa bibig niya. Ano nanamang gimik to?

“Gian Rafael.” Sabi ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko. Nilapit niya ang bibig niya sa akin at kinuha ko ang rose sa bibig niya.

“Happy birthday Mahal ko!” Nagulat naman ako. Birthday ko na pala! I have totally forgot. Nakita ko si Mommy, Daddy, Renz, Tita Ganda, Dane with his girlfriend Thea, Papa Daniel and his wife Mama Yesha.

“Nakalimutan mo nanaman? Nako, ayaw mo atang tumanda eh.” Sabi ni Gian saka hinalikan ang pisngi ko.

“Nakalimutan ko.” Sabi ko. Umupo naman kami sa dining at nakita ang dalawang bata na tumatawa. Niyakap ko si Mommy at Daddy.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon