chapter twenty three.

7.2K 107 12
                                    


[Lauren's POV]

"MAMA!! PAPA!! ATE!! BUNTIS SI LAUREN!!!" Buhat buhat ako ngayon ni Ivan grabe napakapit nalang ako dahil ang bilis niyang maglakad mamaya mahulog pa ako.

"Oh really?! Umigash! May nangyari agad sainyo? ang bilis naman kanina ko lang naman binigay ang lingerie ah?!" Biglang tinakpan ni Mama Nadine ang bibig ni Ate Daniela.

"Daniela! Watch your words. May bata kang hawak." Napatingin naman ako kay Ivannah at nakangisi siya.

"Yie! Mommeh and daddeh made love scenes already?" Nagkatinginan naman kami ni Ivan.

"Ivannah." Saka ko binigyan ang anak ko ng makahulugang tingin.

"But mommeh is it true I'm going to have a baby sister already? OMG I'm so excited!!" Saka yumakap sa akin si Ivannah.

"Congrats son." Lumapit naman si Mama Nadine at Papa Victor kay Ivan saka niyakap ito. Bakas sa mukha nila na masaya sila at ganun din kami.

Pagkatapos nun kumain na kami. Nagluto pala si Ate Daniela kaya yun ang kinain namin. Todo alaga si Ivan sa akin. Inaalalayan pa nga niya akong maglakad papunta sa dining area. At nung kakain na, sinabi pa niyang susubuan niya pa ako pero tumanggi ako.

Pagkatapos rin naming kumain ay nagpaalam na sila na aalis na sila dahil lumalalim na rin ang gabi.

Hinatid ko na rin si Ivannah sa kwarto niya saka siya pinatulog. Ng makita kong tulog na siya nagpunta na ako sa kwarto namin ni Ivan.

Pagpasok ko nakita ko si Ivan na nakahiga at nagbabasa ng libro.

Tumabi ako sakanya. Sinara niya ang libro saka ako niyakap. "I love you."

"I love you too." Sagot ko habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib ni Ivan.

Naramdaman ko namang pinaglalaruan niya ang buhok ko at kinikiliti ang batok ko. Pinantakip ko sa leeg ko ang kamay ko pero tinuloy niya lang ang pangingiliti.

"Ivaaan!! Hahahahahaha! Tama na!! Hahahahahahaha!!" Pero hindi nagpatinag ang loko at tinuloy ang pangingiliti sa akin.

Biglang napaibabaw sa akin si Ivan. Nakangiti siya habang natatawa. Napangiti nalang rin ako dahil ang gwapo gwapo ng asawa ko.

Naramdaman kong bumababa ang mukha ni Ivan papuntang mukha ko. Hinarang ko ang mukha niya ng kamay ko.

"Tantanan mo! Baka maging kambal to!" Sabi ko sakanya pero ngumisi siya sakin.

"Pwede." Saka ngumiti ulit ng nakakaloko si Ivan. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Bumaba ulit ang mukha niya papuntang mukha ko.

Magkapantay na ang ilong ko at ilong niya. Pumikit nalang ako at hinintay kung ano ang gagawin niya..

"Kyaaaaaa! Mommeh! Daddeh! What are you doing? Isn't mommy pregnant already? You want to make another one?" Nanlaki naman ang mata ko at naitulak si Ivan na bumagsak sa ibaba.

"Baby, kanino mo nanaman nalaman yan?" Takang tanong ni Ivan habang nakahawal sa likod niya.

"Tita ganda just told me." Biglang sumampa si Ivannah sa kama habang dala ang teddy bear niya.

"What are you doing here?" Tanong ko habang inaayos ang buhok niya.

"I heard scary sounds in my room. I can't sleep there it's scary. Can I stay here?" Tanong ni Ivannah sabay yakap sa akin. "Sana lumabas na si baby sister sa tummy mo mommy para may kasama na ako sa kwarto ko so I won't be scared." Saka pumikit si Ivannah at ilang minuto lang ay naramdaman kong nakatulog na.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon