[P] Untitled.

1.2K 26 9
                                    


Vannie's POV

Nanlalata akong bumangon ngayon. Sobrang sakit ng ulo ko. Umiikot ang paningin ko. Nakalimutan ko kasing kumain ng dinner kagabi. I was waiting for Gian's text message pero walang dumating.

"Mam Ivannah! Mam Ivannah! Si Sir Gian po na andito na!" Bigla naman akong napatayo sa higaan. Tiningnan ko ang calendar. Bakit napaaga naman yata ang uwi niya?

Bumaba ako at nakita ko si Gian na dala dala ang mga maleta niya. Kaagad akong lumapit sakanya at niyakap siya. Hindi niya ako niyakap pabalik kaya't bumitaw na ako at tumingin sakanya.

"Gian, bakit napaaga yata ang uwi mo? Hindi mo sinabi sakin sana nakapaghanda ako ng makakain--"

"Pagod ako. Pwede ba?" Napatahimik ako sa sinabi ni Gian. Umakyat na siya sa kwarto pagkatapos nun.

Paghakbang ko ay bigla akong napaupo sa sahig. "Mam! Ayos lang ho ba kayo?"

"Nahihilo ako.. pakibuksan yung guest room. Doon na muna ako habang nagpapahinga si Gian." Sumunod naman kaagad ang katulong namin. Binuksan niya ang guest room at dun ako humiga. Ayoko kasing makaistorbo kay Gian. Alam kong pagod siya galing sa trabaho niya.

Mabuti pang itulog ko na lang muna ito.

* * *

Author's POV

Hindi magawang tingnan ni Gian ang asawa niya. Kaya't minabuti niyang huwag nalang lumabas sa kwarto nila.

Biglang nagring ang cellphone niya at ng tingnan niya yun ay isang message mula kay Christa ang bumungad sakanya.

From: Christa

Love, thanks for the wonderful experience! Sana maulit. Mwa :*

Ibinaba ni Gian ang cellphone niya sa side table at napahilamos sa mukha niya.

Isang malaking pagkakamali lang ang nangyari sakanila ni Christa. Hindi na mauulit iyon kaya't di na dapat malaman pa ni Ivannah.

*knock knock*

"Uhm, Gian, gusto ko lang itanong kung gusto mo na bang maghapunan? Nakahanda na yun dinner sa baba."

Tumayo si Gian at binuksan ang pintuan. Laking gulat ni Ivannah ng sunggaban siya ng halik ni Gian at ipinasok sa loob ng kwarto.

"A..ray.. Masakit.." Pagdaing ni Ivannah pero patuloy lang si Gian sa paghalik kay Ivannah pero habang hinahalikan niya ang asawa biglang sumagi sa isipan niya ang ginawa nilang dalawa ni Christa.

Naitulak ni Gian si Ivannah kaya't nagulat ito.

"Ba.. Bakit?" Tanong ni Ivannah.

Napaupo si Gian sa kama at napasabunot sa buhok niya.

"Get out, I just want to be alone."

"Pero--"

"I said get out!" Tumango naman si Ivannah saka lumabas ng kwarto ni Gian.

Naiwan don si Gian na nakatingin lang sa picture ng dalawang anak niya.

"Patawarin niyo si Tatay. Diko sinasadyang saktan ng ganito ang Nanay niyo.." Umiiyak na sabi ni Gian.

Hindi na makilala ni Gian ang sarili niya, ano bang nangyayari sakanya at naging manhid ng ganito ang puso niya? Mahal na mahal niya si Ivannah pero mas nagagawa niyang saktan ito kaysa ipakita kung gaano niya kamahal ito.

KINABUKASAN, pumasok sa opisina niya si Gian para ipasa ang manuscript ng bagong ipa-publish na libro.

Pagpasok niya sa opisina niya ay may biglang pumulupot sa bewang niya, laking gulat niya ng makita si Christa sa loob.

"What are you doing here? Bumalik ka na sa station mo, maraming paper works ngayon," Sabi ni Gian tsaka tinanggal ang pagkaka-kapit sakanya ni Christa.

"Ganyan mo ba tratuhin ang babaeng nagdala sa'yo sa langit nung isang araw? I'm hurt." Umupo sa swivel chair niya si Gian at seryosong tumingin kay Christa.

"Christa, we are both drunk when that happened, wala ako sa katinuan ko, so does you. It was just a one night stand kaya just forget everything about it para maiwasan ang conflict, so go back to your station." Mahabang sabi ni Gian tsaka ibinalik ang focus niya sa pagi-scan ng papers.

"I would like to remind you, I don't use pills and you didn't use a condom my love." Tila nabato si Gian sa sinabi ni Christa. Tumingin si Gian kay Christa pero nginisian lang siya nito tsaka lumabas sa opisina niya.

Vannie's POV

1 MONTH LATER..

"Naku po, ma'am, naduduwal ka nanaman po, magpa-check na po kaya kayo? Isang buwan na po kayong ganyan," Sabi sa akin ng maid namin habang hinahagod ang likuran ko.

"Hindi na ho, nagpapalipas ho kasi ako ng gutom kaya nagtatampo na siguro sa akin ang sikmura ko," Umupo ako at napahawak sa sentido ko.

*ding dong*

"Ako na, manang" Sabi ko tsaka ako nagpunta sa may pintuan para tingnan kung sino ang nagpunta.

"Good morning sweet munch!" Napairap naman ako ng makita ko si Cloud sa harap ng pintuan. Isasarado ko na sana ang pinto pero pinigilan niya yun. "Whoa, don't wanna see me babe?"

"Stop with the endearments, Cloud. Baka may makakita sayo at kung ano ang isipin, baka makita ka ni Gian so umalis ka na," Tiningnan ko ang kwarto at mukhang tulog pa naman si Gian.

"Okay okay, I get it, teka lang ibibigay ko lang sa'yo to." Inabot sa akin ni Cloud ang isang supot ng calamares at kaagad akong naglaway dun. "Sabi mo kasi gusto mo niyan so binigyan kita, o pano mauna na ako sweetie. Bye!"

Nginitian ko lang si Cloud tsaka ako pumasok na sa loob.

"Manang pakihanda nga ho ito, salamat" Ibinigay ko kay manang ang supot tsaka umupo sa sala.

Napansin kong nasa side table ng sala ang phone ni Gian. Muli kong nilingon ang kwarto ni Gian atsaka binalik ang tingin sa cellphone niya.

Mas lalo akong napatitig sa cellphone ni Gian ng tumunog ito.

Huminga ako ng malalim dahil parang iba ang kutob ko sa tawag na yun. Unti-unti akong lumapit sa cellphone ni Gian at nakita ko kung sino ang tumatawag.

Isang '.' lang ang pangalan ng tumatawag.

Nang akmang sasagutin ko na ang tawag ay kaagad na hinablot ni Gian ang phone niya kaya't napatingin ako sakanya.

"Sino 'yan?" Tanong ko kay Gian. Hindi niya sinagot ang tawag at pinatay pa niya ang phone niya.

"W-wala, kasamahan ko sa trabaho."

"Bakit hindi mo sinagot?"

"Papunta na rin naman ako sa office, doon ko na lang siya kakausapin." Nakabihis na si Gian. Mukhang kanina pa siya gising at naligo na rin siya.

Tumango na lang ako kahit na may mali sa pananalita niya.

Knowing Gian, hindi ipag-mamaya ang trabaho niya.

Sino ba talaga ang tumawag sakanya?

KINAGABIHAN, nagluluto ako ng hapunan ng marinig ko ang kotse ni Gian na dumating. Ilang minuto ko ring hinintay na lumabas siya sa kotse niya. It took him 10 minutes before he finally went inside our house.

"What took you so long? Kanina pa kita hinihintay pumasok--" Naputol ang sasabihin ko ng ihagis ni Gian ang isang envelope sa harap ko. I look at him pero seryoso at walang emosyon lang siyang nakatitig sa akin.

Binuksan ko ang envelope at tila gumuho naman ang mundo ko ng mabasa ko kung ano 'yon,

Annulment papers..

Maluha-luha akong tumingin kay Gian na may halong pagtatanong sa aking mga tingin.

"Maghiwalay na tayo, Ivannah."

xxxxxxx

A/N: Hi! If you won't mind, basahin niyo rin ang Clash Of The Campus Populars. Thank you <3

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon