Lara
Sumakay ako sa kotse ni Cloud tsaka ko naman natanaw si Gian na naglalakad papunta sa kotse ni Christa. Napapikit ako nang mariin ng maalala ko ang paghawak namin ng kamay.
Ano ba yang ginawa mo, Lara? You almost forgot about everything and let your feelings take over yourself again.
“May problema ba, Lara?” Nagbalik ako sa huwisyo ko nang tanungin ako ni Cloud.
“A-ah, wala.” Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng kotse
“Sorry Lara, I wasn't there to protect you from that guy. I’m just glad you're safe.” Naramdaman kong hinawakan ni Cloud ang kamay ko pero kaagad kong binawi yun atsaka napayuko.
“Ayos lang, Cloud.” Nakangiti kong sagot sakanya. Ngumiti lang rin si Cloud pero hindi ganon kasaya atsaka pinagpatuloy ang pagmamaneho niya.
-----
Pagkadating namin sa bahay namin ay kaagad na bumungad sa akin ang kambal ko. Binitawan ko lahat ng gamit ko tsaka ako tumakbo palapit sa kambal ko.
“Mommy!” Niyakap ko sila ng napakahigpit. Noong nasa bingit ng panganib ang buhay ko, akala ko hindi ko na makikita ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
“Mommy, are you okay? Are you hurt? I heard about everything! I won't forgive that man! I swear I'll get back to him someday!” Nakita ko si Kio na umiiyak kaya naman pinunasan ko lang ang mga luha niya tsaka hinalikan siya sa noo.
“Baby, mommy’s fine. Mommy’s here. Mommy won’t go away anymore.”
-----
Gabi na at nandito kami sa bahay at umupo lang ako sa couch. Naglalaro lang si Kio at Kei sa mga uwi kong laruan habang patuloy pa ring lumulutang ang isip ko.
“Lara, anak.” Umupo sa tabi ko si Mama. Hinawakan nito ang kamay ko at nginitian ko siya.
“Ma, okay lang ako. Hwag ka nang mag-alala sa akin.”
“Are you sure anak? Hindi mo ba kailangan ng psychological help? Hindi ka ba natrauma sa mga nangyari sayo? Kung gusto mo, take a break for a while, umalis muna kayo nila Kio at Kei, isama mo na din si Cloud para mawala ang isip mo sa trauma na yun, anak—” Hinawakan ko ang balikat ni mama tsaka siya binigyan ng ngiti.
“Ma, I’m fine. This is nothing. Mabuti pa magpahinga ka na. Gumagabi na rin. Ako nang bahala dito.”
“Are you sure, Anak?”
”Wag na makulit ma, sige na. Magpahinga ka na. Magpapahinga na rin kami ng kambal.” Tumayo si mama tsaka ako hinalikan sa ulo tsaka umakyat na sa kwarto nila.
Napatingin lang ako sa kambal ko. What if hindi nagkaganito ang buhay ko? Sana nabibigyan ko sila ng buong pamilya. Sana hindi sila nalulungkot ng ganito..
-----
Author
Inihatid ni Lara sa daycare center ang kambal niya.
"Magpakabait kayong dalawa ha?" Bilin ni Lara tsaka hinalikan ang dalawa sa pisngi nito. Ibinigay rin nito ang baon ng dalawa na siya mismo ang naghanda. Medyo matagal na rin kasing puro luto ng katulong ang naipambabaon nito sa dalawa dahil sa pagiging busy nito sa trabaho.
"Mommy, susunduin mo ba kami mamaya?" Tanong ni Kei dito. Nakangiting tumango si Lara.
"Yes baby. Susunduin ko kayo kaya wag kayo sasama kung kani-kanino ha? Sa akin lang. Okay? Sige na, pumasok na kayong dalawa baka malate pa kayo. Stay out of trouble okay?" Naglakad na papasok sa daycare center si Kio at Kei at nang masigurado na ni Lara na nasa loob na ang dalawa ay dumiretso na siya sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETED
RomanceHow can you forget your ex boyfriend when you are about to bear his child?