[G] Christa.

1.3K 23 0
                                    


[Gian’s POV]

In life, we need to feel a lot of pain, a lot of hurting, a lot of suffering and sometimes, we always feel like we are about to give up but we can't, knowing that someone is still hoping for you..

Delete...

Napahawak ako sa sentido ko. Kailangan ko ng matapos ang draft na ‘to before the dawn and damn, wala akong maisip na plot sa storyang ‘to.

“Sir, may gusto raw pong kumausap sainyo.” Napalingon ako sa secretary ko.

“Haven’t I told you not to interrupt me? Sabi ko sayo kailangan nilang magkaroon ng meeting bago mo sila papasukin.” Sumasakit na nga ang ulo ko, dumadagdag pa ‘tong secretary ko.

“Sorry sir, nagpupumilit po kasi talaga siya..” My secretary stepped backward at nagulat naman ako ng makita ko kung sino ang taong gusto akong makausap.

“Hey there Gian! Long time no see,” Lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa labi. Kaagad ko naman siyang tinulak palayo sa akin.

“Christa, what are you doing here?!” Si Christa, siya ang babaeng humalik sa akin ng walang humpay noong highschool ako at nakita kami ni Ivannah.

“Wow, is that how you treat an old friend? Tampo ako. Hay naman.. Don’t worry I’m here to work, not to flirt.” Sabi ni Christa saka niya binigay ang bio data niya.

“What? Don’t show me that look! Nag-aral ako sa Europe for pete’s sake. Imposibleng hindi ako matanggap! Over-qualified pa nga ako para sa position na inaaplayan ko.”

“Okay okay Christa, tanggap ka na.” Bigla akong niyakap ni Christa at hinalikan nanaman ako. Again, tinulak ko lang siya palayo. “Christa, stop that act. Hindi na tayo HS students, saka may asawa ako so stop that.”

Biglang tumawa ng malakas si Christa. “So nagkatuluyan nga kayo ni Ivannah? Ha! So romantic..” Bumalik ako sa swivel chair ko tsaka binuksan ulit ang laptop ko.

“You are so workaholic babe..” Sabi ulit ni Christa saka sinarado ang laptop ko. I just tsk-ed.

“You may leave, Christa.”

“You are so harsh to me baby! You know I missed the old you.. when we are still young and you know..” She smiled at me seductively but I just rolled my eyes.

“I can fire you right away, kung hindi ka lalabas ng office ko. LABAS.” Ma-awtoridad na sabi ko kay Christa. She raised both of her hands as if saying that she surrenders tsaka siya lumabas ng opisina ko.

*ring! ring! ring!*

Napatingin ako ng marinig kong tumunog ang phone ko. Nagflash sa screen ang number ni Kian. “Bro, bakit napatawag ka?”

“Kuya, nasa ospital ako..” Bigla akong nanginig. “Inatake nanaman si Luke. Nandito kami nila Dane at Ate Ivannah.” Napasuntok ako sa desk ko.

“I’ll be there any minute.” Binaba ko ang phone ko tsaka nagmadali ulit na pumunta ng parking lot. Sanay na sa akin ang staffs na umaalis ng biglaan.

PAGDATING ko sa hospital ay nakita ko si Ivannah na nakatingin lang sa labas ng OR. SHIT! Nasa OR nanaman si Luke. Panigurado akong marami nanamang aparatong nakakabit sakanya.

“Luke!!” Sabi ni Ivannah habang kinakalampag ang bintana ng OR. Kaagad akong lumapit sakanya at niyakap siya.

“What happened Ivannah?” Tanong ko habang nag-aalala pa rin, hindi lang kay Luke kundi para na rin kay Ivannah.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon